Pinay Scientist sa London, Nagbabala sa Nakakakilabot na Epekto ng Pagsabog ng Taal

Sa ngayon ay ibinaba na ng Phivolcs sa Alert Level 3 ang bulkang Taal. Hindi katulad ng dati, hindi na masyadong nagbubuga ng usok at volcanic ash ang bulkan sa mga karatig-lugar nito. Ngunit sa kabila ng advisory na ito, maraming tao pa rin ang nangangamba sa peligro na hatid ng aktibong bulkan. Isa sa mga nagpaalala sa publiko ay ang Pinay scientist na ito mula sa London.

Si Mai Jardeleza ay isang geologist at volcanologist na nakatira sa London, UK. Ngunit kahit pa malayo siya sa Pinas, hindi ito naging hadlang upang tulungan niya ang ating mga kababayan. Sa social media, nagpaalala ang Pinay scientist tungkol sa nakaambang panganib na dala ng bulkang Taal.

Kahit pa ‘tahimik’ na ang Taal volcano ngayon, hindi raw dapat maging kampante ang mga tao. Sa kanyang Facebook live, sa pamamagitan ng graph ay ibinahagi ni Jardeleza ang maaaring mangyari sa Taal volcano, at ano ang dapat paghandaan ng mga tao. Sa kabila ng pagtahimik ng bulkan, ayon kay Jardeleza ay mayroon pa ring seismic activity sa ilalim nito.

“I am sticking with my analysis na posibleng magkaroon ng degassing vents and at worse crater sa bahaging iyan kung patuloy umakyat ang magma sa area na iyan."

Ito ang pahayag ni Jardeleza sa kanyang Facebook live, kung saan nag-drawing pa siya ng graph upang maipakita ang maaaring mangyari.

Sa kabila ng mga paalala ng Pinay scientist, pinuna rin niya ang sistema ng gobyerno, na aniya’y kulang sa preparasyon sa ganitong sakuna. Ito marahil ang dahilan kung bakit matapos mag-post ng sunod-sunod na live video ay nag-deactivate sa Facebook ang Pinay scientist. Ayon sa iba, maaaring hindi nagustuhan ng gobyerno ang kritiko ni Jardeleza.

Sa ngayon ay mapapanood pa rin sa Youtube ang mga videos ni Jardeleza sa Mai Geo World. Ayon kay Mai, isa lang ang nais niyang iparating sa mga tao: ang mag-ingat at maging handa sa nakaambang panganib. Pinayuhan niya rin ang mga tao sa paligid ng Taal na wag na munang bumalik sa kanilang mga tahanan.

Pinay Scientist sa London, Nagbabala sa Nakakakilabot na Epekto ng Pagsabog ng Taal Pinay Scientist sa London, Nagbabala sa Nakakakilabot na Epekto ng Pagsabog ng Taal Reviewed by Publisher on February 04, 2020 Rating: 5