Nerbyosong Mister, Hinimatay sa Delivery Room Habang Nanganganak si Misis


Ang pagdating ng baby ay isang blessing para sa mag-asawa. Ngunit kahit gaano ito ka-espesyal, hindi maipagkakaila na delikado rin ang panganganak. Sabi nga nila, kapag nanganganak ang isang babae ay nakalagay ang isa niyang paa sa hukay. Kaya naman dapat lang na nakaantabay at nakasuporta si mister sa panganganak ni misis.

Ngunit may mga pagkakataon rin na si mister mismo, hindi kinakaya ang panganganak! Mayroong mga lalaki na matibay ang loob, ngunit pagdating sa panganganak ay pinanghihinaan sila ng tuhod.

Isa na sa mga kabadong mister na ito ay ang lalaking ito, na sa sobrang nerbyos ay hinimatay na sa delivery room!


Usap-usapan ngayon sa social media ang viral photo na ito na ibinahagi ng isang netizen. Isang mom-to-be ang nag-selfie habang nasa delivery room upang kunan ang nakakaaliw na pangyayari sa kanyang asawa.

Habang nanganganak kasi siya, mas tense pa si mister. Ayon sa nag-post, nagpumilit na sumama ang kanyang asawa sa delivery room para sa kanyang panganganak.

At dahil first time niyang manganak, pumayag naman siya sa pag-asang maiibsan ang sakit at hirap ng kanyang panganganak. Ngunit hindi inaasahan ni misis ang magiging reaksyon ni mister!


Kitang-kita sa selfie na relax lang at nagagawa pang ngumiti ni misis sa camera. Ngunit ang asawa niya, na dapat ay umalalay at magpalakas ng loob niya, ay siya pa mismong nahimatay!

Sa viral photo, kita kung paano alalayan ng mga nurse at doktor ang lalaki na nahimatay sa sahig dahil sa sobrang nerbyos. Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang natuwa sa photo na ito.

Sino nga namang mag-aakala na ang tigasing mister pa pala ang manlalambot ang tuhod? Paniguradong matatawa na lamang ang mag-asawa kapag binabalikan ang memorable na moment na ito.


Ikaw, nasubukan mo na rin bang makapanood o masamahan ang isang nanganganak? I-share ang inyong karanasan sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook. 
Nerbyosong Mister, Hinimatay sa Delivery Room Habang Nanganganak si Misis Nerbyosong Mister, Hinimatay sa Delivery Room Habang Nanganganak si Misis Reviewed by Publisher on February 04, 2020 Rating: 5