96-Anyos na Lola, Inireklamo ang Anak! Bwelta ni Anak, Sinungaling si Nanay



Kamakailan lamang ay usap-usapan sa social media ang reklamong ito ng isang lola sa tanggapan ni Raffy Tulfo. Sa edad niya na 96-anyos, kahit pa nahihirapan nang maglakad at makarinig ay sinadya pa rin ni lola Fidela ang "Wanted sa Radyo" program upang personal na humingi ng tulong kay Idol Raffy.

Kasama ni Lola Fidela sa studio ang kanyang apo na si Joshua. Dahil nahihirapan nang makarinig ang matanda, ang apo niya ang nakikipag-usap kay Tulfo. Ayon kay Joshua, nais mabawi ni Lola Fidela ang bahay nito mula sa kanyang isang anak na diumano'y hindi siya tinatrato nang maayos.



Mayroong sariling bahay si Lola Fidela sa Tondo, Manila. Ngunit dahil hindi sila magkasundo ng anak niya, napilitan si Lola na lumipat na lamang sa bahay ng kanyang apo. Ngayon, nais nang makabalik ni lola sa sariling bahay niya ngunit ayaw makipag-cooperate ng kanyang anak na lalaki.

Sa gitna ng interview, napaghinalaan din ni Tulfo ang apo na baka mayroon itong pansariling interes sa pagtulong kay lola. Ayon sa host, maaaring ginagamit lang ni Joshua ang matanda upang mabawi ang bahay para sa sarili niya, ngunit lumabas na mali pala ang bintang na ito sa dulo.


Ayon sa mga netizens, naging masyadong 'judgmental' ang batikang host sa complainant. Imbes na pakinggan daw ito, ay naging padalos-dalos si Tulfo sa kanyang opinyon. Dahil dito, maraming netizens ang naki-simpatya sa apo na nais lang naman daw matulungan ang lola niya.

Sa katunayan, may mga tao pa na nagsabing dapat lamang mag-public apology si Tulfo sa apo. Hindi raw tama ang ginawa ng host na pag-aakusa dito, lalo pa't sa live on-air niya ito ginawa. Ngunit para naman sa iba, sadyang nag-iingat lang si Tulfo dahil marami na rin itong nakasalamuhang tao na nagpapanggap lamang.


Panoorin ang buong pangyayari dito:


Sa iyong palagay, dapat bang mag issue ng public apology si Raffy Tulfo sa complainant na ito? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-folow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
96-Anyos na Lola, Inireklamo ang Anak! Bwelta ni Anak, Sinungaling si Nanay 96-Anyos na Lola, Inireklamo ang Anak! Bwelta ni Anak, Sinungaling si Nanay Reviewed by Publisher on February 04, 2020 Rating: 5