Netizen, Nakaisip ng Bagong Ipapalit sa KNPP Clothing
Nitong nakaraang linggo ay naging usap-usapan sa social media ang kontrobersyal na clothing brand na KNPP. Binatikos ng mga netizens ang diumano'y 'mahalay' na mensahe nito sa mga t-shirts na ibinebenta. Ayon sa publiko, hindi raw ito magandang ehemplo lalo pa't karamihan sa mga fans ng KNPP ay mga kabataan.
Dinepensahan naman ng owner ang kanyang clothing brand mula sa mga alegasyon ng publiko. Ayon sa owner ng KNPP clothing na si Boss Toyo, nais lamang nilang magpaalala sa mga kabataang Pinoy na kumain nang tama sa oras at ipinababatid nila ito sa kanilang mga t-shirt designs.
"The real purpose of the brand name is simply to encourage adolescents and teenagers to eat properly. It was named that way so it would catch peoples attention easily," ito ang kanilang pahayag sa Facebook, ngunit hindi ito basta-basta bumenta sa mga netizens.
Agad namang nag-viral ang 'palusot' na ito ng owner ng KNPP clothing brand. Maraming netizens ang nainis dahil imbes na aminin ay mas lalo pa raw pinagtakpan ang kanilang pagkakamali. Ngunit mayroon rin naman na ginamit ang pagkakataong ito upang magbigay ng suhestiyon.
Sa Facebook, viral ngayon ang ginawang alternative designs para sa KNPP clothing. Ibinahagi ni Rommel Zabala ang kanyang mga unique at witty na designs para ipang-counter sa mahalay na graphic tees ng KNPP clothing. Tila slogan ang mga t-shirts dahil sa taglay na mensahe nito, tulad ng "Kain gulay," "Inom gatas," "Hugas plato," at marami pang iba.
Dahil sa unique take ng mga t-shirts ni Rommel Zabala, agaw-atensyon ito ngayon sa social media. Sa ngayon ay umabot na sa 14,000 ang nag-share nito sa Facebook. Mukhang mas magustuhan ng mga netizens ang wholesome na mensahe nito kumpara sa mga graphic designs ng KNPP clothing.
Ikaw, mas pipiliin mo bang suotin ang mga bagong designs na ito kumpara sa KNPP clothing? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Netizen, Nakaisip ng Bagong Ipapalit sa KNPP Clothing
Reviewed by Publisher
on
February 02, 2020
Rating:
Post a Comment