Delikado Pala! DOH, Nagbabala sa Paggamit ng Bra Bilang Face Mask
Dahil sa kakulangan sa supply ng mga face mask, napipilitan ang ibang tao na humanap ng ibang paraan upang maprotektahan ang kanilang kalusugan. Dito lumabas ang resourcefulness at creativity ng mga Pinoy. Isa sa mga alternatibo na ginagamit ng iba ay ang bra, na diumano'y nirekomenda daw ng Department of Health.
Maraming netizens ang nagbahagi ng kanilang do-it-yourself improvised na bra. Kung kapos sa budget o talagang wala nang mabili na face mask, maaari naman daw gamitin ang bra upang mabisang alternatibo. Sinegundahan rin ito ni Health Assistant Secretary Ma. Francia Laxamana.
"Meron pa ibang creative ways of doing things. Isa po yung kamiseta, ilagay ninyo po. Meron pong isang creative, yung bra at panty. Ang diapers open so pwede po siya. Actually kung titingnan niyo ang mga diapers merong dry," ito ang pahayag ni Laxamana sa isang news conference sa Malacanang.
Ngunit kamakailan lang ay hindi ito sinang-ayunan ni Health Secretary Francisco Duque. Sa isang interview sa GMA News, nilinaw ni Duque na hindi magandang alternatibo ang bra dahil gawa ito sa non-porous material, at maaaring hindi mkaahinga nang maayos ang gagamit nito.
Sa halip na bra, maaari naman daw gumamit ng panyo o di kaya towel upang hindi makalanghap ng usok at volcanic ash. Alalahanin lang na basain ang towel o panyo upang mas makahinga ng maayos. Ito'y alternatibo lamang dahil mas mabisa pa rin daw ang N95 mask.
Sa kabilang banda, inabisuhan rin ng DOH ang publiko sa Metro Manila at Central Luzon na hindi na kailangan magsuot ng face mask dahil maaayos naman ang kalidad ng hangin dito. Sa halip ay idonate na lang daw ang mga face mask sa Batangas at sa mga kalapit-lugar na direktang apektado ng volcanic ash fall.
Ikaw, mayroon ka rin bang mabisang alternatibo pamalit sa face mask? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Delikado Pala! DOH, Nagbabala sa Paggamit ng Bra Bilang Face Mask
Reviewed by Publisher
on
February 02, 2020
Rating:
Post a Comment