90s Kids, Excited na sa Remake ng "Tabing Ilog"
Naaalala niyo pa ba ang hit 90s series na "Tabing Ilog?" Kung batang 90s ka, siguradong natatandaan mo pa ang seryeng ito na kinabibilangan ni Paula Peralejo, John Lloyd Cruz, Patrick Garcia, Jodi Sta. Maria, Paolo Contis, Desiree del Valle, Baron Geisler at Kaye Abad. Ito ang tinaguriang "pambansang teleserye" ng mga batang 90s noon.
Talaga nga namang maraming nakakabit na alaala sa iconic na youth-oriented series na ito. Kung inyong maaalala, ito ang laging inaabangan ng mga kabataan sa telebisyon. Kaya naman nang mapabalitang magbabalik ang "Tabing Ilog," maraming fans ang na-excite!
Kasabay ng kanilang announcement ay nagbahagi rin ng teaser ang Star Hunt sa Instagram. Mukhang effective naman ang mga teaser na ito dahil ayon sa mga 90s kids, nagbabalik ang alaala nila sa dating series. Ngunit sa ngayon ay hindi pa sigurado kung parehas na cast pa rin ba ang gaganap sa "Tabing Ilog" remake.
"Si Direk Malu (Sevilla, direktor ng Tabing Ilog) nakakausap ko. Sabi niya gusto niyang gumawa ng pelikula or series na Tabing Ilog reunion na malalaki na kami. Game ako diyan, but we need John Lloyd for this to make it work."
Excited ka na rin bang mapanood ang musical remake ng "Tabing-Ilog?" I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
90s Kids, Excited na sa Remake ng "Tabing Ilog"
Reviewed by Publisher
on
February 02, 2020
Rating:
Post a Comment