Mikael Daez at Megan Young, Nagkasundong Wag na Mag-Honeymoon


Para sa mga bagong-kasal, kasing-halaga ng mismong kasal ang honeymoon. Pagkakataon ito para makapag-relax ang mag-asawa at magkaroon ng payapang simula ang kanilang pagsasama. Dahil dito, talagang pinaghahandaan at pinagkakagastusan ng mga bagong kasal ang kanilang honeymoon. Ngunit iba ang pananaw ng celebrity couple na si Megan Young at Mikael Daez.

Nitong nakaraang linggo lamang ay ikinasal na ang long-time couple sa isang simpleng ceremony. Marami ang na-inspire sa kasalan ni Megan at Mikael, dahil simple lamang ito at walang hassle. Ngayon naman, excited ang mga netizens na malaman kung ano ang honeymoon plans ng couple.


Ngunit sa isang press conference para sa kanyang upcoming teleserye, nilinaw ni Mikael Daez na wala silang balak mag-honeymoon ng kanyang misis. Ayon sa Kapuso actor, parehas nilang napagkasunduan na hindi mag-set ng espesyal na honeymoon pagkatapos ng kasalan.

Sa lahat ng mga naging biyahe namin ni Megan, pinag-usapan namin na, 'You know what, we don’t need a honeymoon. Baka kung may biyahe tayo next month, baka ito yung sabihin natin na honeymoon.' Pero wala na yung planong, ‘eto.’” Ito ang pahayag ni Mikael nang tanungin siya kung anong plano nila sa honeymoon.


Sa kabila ng desisyong ito, aminado ang aktor na mahaba pa rin ang travel list nila. Kabilang na dito ang dream destination ng dalawa na South America. Parehas pa nilang hindi na-eexplore ito, kaya naman excited rin sila na bisitahin ang iba’t-ibang tourist destinations sa South America.

Pagdating sa pagkakaroon ng anak, ayon kay Mikael ay wala pa silang plano sa ngayon. Parehas silang busy sa kani-kanilang career, kaya naman hahanap pa sila ng magandang timing para makapagsimula ng pamilya.

“I guess at this moment, not yet. But you’ll never know, marami rin nagsasabi ng hindi kami magkaka-baby, biglang nagkaka-baby. So, we’ll see, bahala na.”




Ikaw, excited ka na ba sa susunod na kabanata sa buhay ni Megan at Mikael? I-share ang inyong karanasan sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook. 
Mikael Daez at Megan Young, Nagkasundong Wag na Mag-Honeymoon Mikael Daez at Megan Young, Nagkasundong Wag na Mag-Honeymoon Reviewed by Publisher on February 03, 2020 Rating: 5