Marcelito Pomoy, Muling Nagpahanga sa Kanyang Semi-Finals Performance sa AGT
Talagang malayo na ang narating ng Pinoy singer na si Marcelito Pomoy. Matapos manalo sa "Pilipinas Got Talent" noong 2011, ngayon naman ay international stage na ang laban ni Marcelito. Nakapasok ang sikat na singer sa international talent search program na "America's Got Talent" ngayong January 2020.
Sa kanyang audition, pinahanga ni Marcelito ang mga judges sa kanyang nakakaiyak na performance ng "The Prayer," kung saan ginamit niya ang male at female voice niya. Hindi man nanalo ng golden buzzer sa kanyang audition, nakapasok naman si Marcelito sa semi-finals dahil sa boto ng libo-libong fans mula sa buong mundo.
Marami ang nag-abang sa performance ni Marcelito na inihanda niya para sa semi-finals. Hindi naman niya binigo ang mga fans at judges, dahil mas hinigitan pa ni Marcelito ang expectations nila! Sa kanyang semi-finals performance, kinanta ni Marcelito ang "Con Te Partiro."
Sa buong song number niya, napanganga na lamang ang mga judges, kabilang na si Simon Cowell. Muling ginamit ni Marcelito ang kanyang signature dual voice na nagpahanga sa mga manonood. Talagang one-of-a-kind ang talento niya, at marami ang naniniwala na makakapasok siya sa finals ng AGT.
Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang nagpahayag ng kanilang pagbati kay Marcelito. Ayon sa kanila, mukhang sigurado na ang place nito sa finals ng "America's Got Talent." Silipin ang comment ng isang Pinoy fan dito:
"Proud Filipino here. Thank you God for giving him the opportunity to show the world that you showered him with the golden voice. To Marcelito Pomoy, stay humble as you are for i know great blessing will more come upon you. Keep your feet on the ground and be a blessing to others too."
Panoorin ang kanyang performance dito:
Na-impress ka rin ba sa one-of-a-kind performance na ito ni Marcelito Pomoy? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Marcelito Pomoy, Muling Nagpahanga sa Kanyang Semi-Finals Performance sa AGT
Reviewed by Publisher
on
February 04, 2020
Rating:
Post a Comment