Babae sa India, Hiniwalayan ang Asawa Dahil Hindi Kinaya ang Body Odor Nito
Maraming rason kung bakit naghihiwalay ang mag-asawa. Kadalasan, third party o di kaya naman problema sa pera ang nag-uudyok ng hiwalayan. Pero ibahin niyo ang kaso ng dalawang mag-asawang ito sa India. Nakipag-divorce ang babae dahil ayon sa kanya, hindi na raw niya makayanan ang body odor ng mister niya!
Ayon sa report ng Times of India, isang 20-anyos na maybahay na nagngangalang Soni Devi ang naghain ng divorce sa kanyang asawang si Manish. Ayon kay Soni, hindi na niya matiis ang diumano'y nakakasulasok na body odor ng kanyang asawa, kaya gusto na niyang makipaghiwalay.
Sa petition ni Soni Devi, dito niya idinetalye ang dahilan kung bakit gusto na niyang wakasan ang pagsasama nila. Ayon kay Soni, taong 2017 nang ikasal sila ng asawa niyang si Manish, na nagta-trabaho bilang tubero. Ngunit hindi nagtagal ay napansin niya ang kakulangan nito sa hygiene.
"My husband stinks as he does not shave and bathe for nearly 10 days at a stretch. Moreover, he doesn't brush his teeth. He also doesn’t have manners and follow etiquette. I don’t want to live with my husband anymore. I can no longer bear the humiliation. Kindly get me rid of this man, he has ruined my life."
Sa kabila ng lahat, willing pa rin si Soni na bigyan ng second chance ang asawa niya. Ayon sa kanilang usapan, bibigyan niya ng pagkakataong magbago si Manish at maging mas malinis na sa katawan niya. Ngunit kung hindi ito matutupad, tuloy ang divorce ng dalawa.
Dalawang buwan ang ibinigay na ultimatum ni Soni sa kanyang asawa. Kung hindi ito tutupad sa usapan, itutuloy niya ang pakikipaghiwalay dito. Sa kabilang banda, aminado naman ang mga otoridad na ito ang kauna-unahang kasong nahawakan nila kung saan body odor ang sanhi ng hiwalayan ng mag-asawa.
Kung ikaw ay may partner na hindi malinis sa katawan, sapat na ba itong dahilan upang hiwalayan mo rin siya? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Babae sa India, Hiniwalayan ang Asawa Dahil Hindi Kinaya ang Body Odor Nito
Reviewed by Publisher
on
February 04, 2020
Rating:
Post a Comment