Walang Naniwala na Titanic Survivor Siya, Ngunit Nang Pumanaw Siya ay Saka Lumabas ang Totoo


Ang paglubog ng RMS Titanic noong April 15, 1912 ay isa sa pinakamalalang maritime accident sa buong mundo. Matapos sumalpok sa isang iceberg sa Atlantic ocean, lumubog ang tinaguriang 'unsinkable ship' na ito sa loob lamang ng dalawang oras. Mahigit sa 1,500 na pasahero ang naitalang hindi nakaligtas, samantalang 705 naman ang na-rescue.

Kasama sa 705 na mapalad na nakaligtas sa trahedyang iyon ay si Berthe Antonine Mayne. Ngunit kung ang ibang survivor ay nagkaroon ng celebrity status, iba naman ang naging kapalaran ni Mayne. Sa mahabang panahon, walang naniwala sa kanya na nakaligtas siya mula sa paglubog ng RMS Titanic! Paano nga ba nangyari ito?



Nalaman na lamang ng mga pamilya ni Mayne ang katotohanan nang pumanaw siya noong October 11, 1962, mahigit kalahating siglo matapos ang trahedya. Sa kanyang pagpanaw, nag-iwan si Mayne ng mga alaala na nakatago sa kahon ng sapatos. Ito ang nagmulat sa mata ng kanyang pamilya.

Sa maliit na kahong iyon nakalagay ang mga dokumento na nagpapatunay na kasama nga si Mayne sa mga pasahero ng lumubog na barko, ngunit hindi siya nag-iisa. Sa katunayan, idinetalye ni Mayne sa kanyang mga naiwang dokumento na isinama lamang siya ng kanyang boyfriend na si Quigg Baxter.


Dahil hindi pa legal ang relasyon nila dati ni Baxter, na mula sa Canada, mas minabuti nitong  i-book ng kwarto si Mayne sa Titanic gamit ang ibang pangalan. Imbes na gamitin ang kanyang totoong pangalan, pinili ni Baxter na gamitin ang "Mrs. de Villiers" upang makakuha si Mayne ng kwarto sa lower deck C.

Ngunit sa kasamaang palad, hindi nakaligtas ang kasintahan ni Mayne sa trahedya. Labis na lungkot ang dinanas ng 24-anyos na dalaga matapos hindi makita o marecover ang katawan ng kanyang kasintahan. Mabuti na lamang at kinupkop siya ng nanay at kapatid nito, kung saan ilang beses rin niyang nanatili bago tuluyang umalis papuntang Europe.



Hind maipagkakailang makulay nga ang naging buhay ni Mayne. Hindi man siya pinaniwalaan noong una, sa huli ay lumabas din ang katotohanan. Ikaw, ano ang masasabi mo sa pambihirang kwentong ito? Ibahagi ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Walang Naniwala na Titanic Survivor Siya, Ngunit Nang Pumanaw Siya ay Saka Lumabas ang Totoo Walang Naniwala na Titanic Survivor Siya, Ngunit Nang Pumanaw Siya ay Saka Lumabas ang Totoo Reviewed by Publisher on January 31, 2020 Rating: 5