Dating Kapuso Singer Lovely Embuscado, Pagala-Gala na Lang sa Lansangan Ngayon


Walang katiyakan sa mundo ng showbiz. Maaaring sikat ka ngayon, ngunit sa isang iglap ay maaari ka ring mapalitan ng ibang artista. May mga celebrity rin na bigla na lamang nalalaos at tuluyang namaalam sa limelight. Isa na dito ay ang dating Kapuso singer na si Lovely Embuscado, na malayong-malayo na ang kalagayan ngayon sa kanyang matayog na career dati.

Naaalala niyo pa ba si Lovely Embuscado? Si Lovely ay kabilang sa mga contestants ng talent-search program ng Kapuso network na “Protege” noong 2011. Kilala bilang “The Singing Cinderella” mula sa Tagum, Davao City, ang naging mentor ni Lovely ay ang “Queen of Soul” na si Jaya.



Hindi man nagwagi si Lovely sa patimpalak, nagbukas naman ng maraming oportunidad ang pagsali niya sa “Protege.” Bukod sa pagkanta, pinasok niya rin ang mundo ng pag-arte. Kabilang sa mga naging projects niya ay “Magpakailanman,” “The Half Sisters,” at “Party Pilipinas.”

Ngayon, ibang-iba na ang kalagayan ni Lovely. Nang magpaalam siya sa showbiz, unti-unti na ring nasadlak ang buhay nilang magpapamilya. Kamakailan lamang ay naispatan sila ng mga showbiz insiders na pagala-gala na lamang sa kalye dahil walang matirahan.


Ang dating masiyahing singer ay nagbago na ngayon. Ayon sa mga saksi, halos hindi na siya makilala. Mukhang dumaranas din daw si Lovely sa depression, dahil hindi siya makausap nang maayos at bigla na lamang tumatawa. Nanawagan naman ang nanay ni Lovely sa mga may mabubuting puso upang tulungan ang kanilang sitwasyon ngayon.

"Sana po makabalik siya sa showbiz kasi diyan lang po kami nakakaluwag. Hindi ko po alam kung hanggang kailan kami maninirahan sa kalye kasi wala po kaming pangrenta ng bahay. Sana po, matulungan kami,” ito ang emosyonal na pahayag ng nanay ni Lovely, na patuloy na nangangamba sa kanilang kalagayan sa kalsada.



Naaalala mo rin ba ang mga panahong lumalabas pa sa telebisyon si Lovely Embuscado? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Dating Kapuso Singer Lovely Embuscado, Pagala-Gala na Lang sa Lansangan Ngayon Dating Kapuso Singer Lovely Embuscado, Pagala-Gala na Lang sa Lansangan Ngayon Reviewed by Publisher on February 01, 2020 Rating: 5