5 Naggagandahang Female Celebrities na Nabansagang ’Third Party’
Sa panahon ngayon, walang nagtatagal na relasyon sa mundo ng showbiz. Karamihan sa mga celebrity couple na matatag dati ay sa hiwalayan rin nauuwi. Bibihira na lang sa mga celebrity couple ang nagtatagal. Kadalasan ay problema sa career o fans ang dahilan ng hiwalayan, ngunit paminsan-minsan ay third party ang nagiging dahilan.
Marami na ring mga celebrities ang nadawit sa mga third party issue. Minsan, sila ang biktima na naloko, ngunit mayroon din namang naakusahan bilang third party. Kilalanin dito ang walong female celebrities na nabansagang third party.
1. Kris Aquino
2. Yassi Pressman
Si Yassi ang love interest ni Coco Martin sa “Ang Probinsyano.” Ayon sa mga fans, si Yassi rin ang dahilan ng hiwalayan ni Coco at ng girlfriend niya dati na si Julia Montes, ngunit nanatiling tikom ang bibig ng tatlo tungkol sa isyung ito.
3. Liz Uy
Kilalang celebrity stylist at IT girl si Liz Uy. Naging matunog ang pangalan niya dati matapos siyang madawit sa hiwalayan ng businessman na si Raymond Racaza at asawa nitong si Dra. Ging Racaza. Ayon sa mga saksi, nagkaroon ng love affair si Liz Uy at ang businessman.
4. Jessy Mendiola
Dumami ang naging kritiko ng Kapamilya actress matapos umanong maging third party sa relasyon ni Luis Manzano at Angel Locsin. Ayon sa mga fans, si Jessy ang naging dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang long-term relationship ni Angel at Luis.
5. Julia Barretto
Si Julia na siguro ang pinaka-kontrobersyal na aktres ng 2019. Pumutok ang bali-balitang siya ang third party na naging dahilan ng hiwalayan ni Bea Alonzo at Gerald Anderson. Dahil dito ay nabuwag rin ang love team ni Julia at Joshua Garcia na Joshlia.
Sino sa mga celebrities na ito ang pinaniniwalaan mong totoong nasangkot bilang third party? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
5 Naggagandahang Female Celebrities na Nabansagang ’Third Party’
Reviewed by Publisher
on
January 31, 2020
Rating:






Post a Comment