Vlogger na Nagpanggap na Homeless, Bumilib sa Ginawa ng Dalawang Batang ito!
Sa panahon ngayon, bihira ka na makakahanap ng taong handang tumulong sa kapwa. Kung meron man, mangilan-ngilan na lang sila at kadalasan, kung sino pa ang mga salat sa buhay, sila pa ang handang tumulong. Ito ang katotohanang nadiskubre ng vlogger na ito mula sa Bohol sa kanyang social experiment.
Sa Facebook page na "Pusang Gala," sinubok nila ang kabaitan ng mga Boholanos. Sa kanyang latest social experiment, sinubukan ni Pusang Gala na mag-disguise bilang isang homeless person at maglibot-libot. Sa ganitong paraan, makikita nila kung sinong mga tao ang handang tumulong sa kanilang kapwa.
Sa ilalim ng init ng araw, naglibot-libot si "Pusang Gala" para lapitan ang mga tao. Upang mas maging interesado ang social experiment, iba't-ibang klaseng tao rin ang nilapitan nila. Mayroon siyang nilapitan na fruit vendor, tambay, tindera, at kahit mga bata.
Sa kabilang banda, umani naman ng iba't-ibang reaksyon sa social media ang social experiment na ito. Maraming netizens ang na-impress sa kabaitang pinakita ng mga tao, na kahit salat man sa buhay ay bukas-palad pa ring mag-abot ng tulong sa iba.
Ngunit ang pinakapumukaw sa atensyon ng mga viewers ay ang dalawang bata na nilapitan niya sa umpisa ng video. Kahit pa wala silang pera, mas pinili ng dalawang bata na gawin ang tama ang tumulong, kahit pa hindi nila ito kakilala.
Maging si Pusang Gala ay na-touch rin sa ipinakitang kabutihang-loob ng dalawang batang ito:
"Hindi ko inexpect na kahit mga bata pala, may busilak na puso. Na-reject ako nung isang nagtitinda ng buko, pero yung mga batang kasi nakita nila na nanghingi ako, binili ng bata na ano, binigay niya sakin kahit hindi ko hiningi."
Dahil sa kanilang kabaitan, may gantimpala kayang natanggap ang dalawang batang ito? Panoorin ang buong pangyayari dito:
Part 2:
Ano ang masasabi niyo sa social experiment na ito? I-share ang inyong opinyon sa comments section.
Vlogger na Nagpanggap na Homeless, Bumilib sa Ginawa ng Dalawang Batang ito!
Reviewed by Publisher
on
January 24, 2020
Rating:

Post a Comment