Ex-Couple Dingdong Dantes at Antoinette Taus, Muling Nagsama sa TV


Naaalala niyo pa ba ang mga sikat na love teams noon? Ngayon, nangunguna ang Kathniel, Jadine, at LizQuen sa mga pinakasikat na love teams sa mundo ng showbiz. Ngunit noong mga panahon ng nanay at tatay natin, may kanya-kanya rin silang sikat na love teams, at isa na doon ay ang tambalan ni Antoinette Taus at Dingdong Dantes.

Noong 90s, sikat na sikat ang love team ni Antoinette at Dingdong. Nakilala sila sa youth-oriented show na TGIS, kung saan una silang nweaaging magka-trabaho. Hindi nagtagal at natuloy sa totohanan ang tambalan ni Dingdong at Antoinette, hanggang sa maging magkarelasyon na rin sila sa totoong buhay.



Ngunit hindi rin nagtagal ang tambalan nila. Makalipas ang ilang taon, naghiwalay rin si Dingdong at Antoinette ng landas, hanggang sa nagkaroon na sila ng kanya-kanyang karera. Ngunit hanggang ngayon ay marami pa rin ang nakaka-miss sa tambalan nila, kaya naman kamakailan lang ay muli silang nagsama sa isang show.

Sa pagkakataong ito, hindi na para pakiligin ang mga fans, kundi para ibahagi ang kanilang pagmamahal sa kalikasan. Kamakailan lang ay muling nagsama si Antoinette Taus at Dingdong Dantes sa docu-science show na Amazing Earth. Nais ibahagi ng ex-couple ang kanilang pagmamahal sa kalikasan.



Sa Amazing Earth, naitampok rin ang organisasyong kinabibilangan ngayon ni Antoinette na Communities Organized for Resource Allocation (CORA). Naglalayon silang mapanatiling malinis ang kapaligiran, at matulungan rin ang mga indigenous people na nakadepende ang mga pamumuhay sa kalikasan.

Bilang goodwill ambassador, layunin ni Antoinette na makapag-ikot ikot sa buong Southeast Asia upang maipalaganap ang kanilang adbokasiya sa CORA. Tumutulong rin silang magbigay ng impormasyon upang makaiwas sa plastic pollution, na talaga namang napapanahon. Kahit may kanya-kanya na silang buhay ngayon, nakakatuwa pa ring makita na may iisang advocacy si Dingdong at Antoinette.


Ano ang masasabi mo sa muling pagtatambal ni Antoinette Taus at Dingdong Dantes? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Ex-Couple Dingdong Dantes at Antoinette Taus, Muling Nagsama sa TV Ex-Couple Dingdong Dantes at Antoinette Taus, Muling Nagsama sa TV Reviewed by Publisher on January 23, 2020 Rating: 5