Bagong-Kasal, Nakatanggap ng Php629,000 sa Kanilang Prosperity Dance


Makulay ang kultura nating mga Pinoy pagdating sa kasalan. Isa na marahil sa pinakakakaibang tradisyon ay ang "prosperity dance." Tuwing may kasalan, nagsasabit ang mga bisita, ninong, at ninang ng mga pera sa damit ng bagong-kasal. Ayon sa kasabihan, nagbibigay ito ng swerte sa bagong buhay na tatahakin ng mag-asawa.

Kamakailan lang ay nag-viral ang bagong-kasal na ito dahil sa kanilang bonggang prosperity dance! Kadalasan, fifty at twenty bills ang sinasabit sa damit ng bride at groom. Pero mmukhang hindi magpapatalo ang mga bisita sa kasalang ito, dahil tig-iisang libo ang sinasabit nila!



Talagang mapapa-sana all na lang kayo pag nakita niyo ang maswerteng bride at groom. Halos hindi na makita ang damit pangkasal ng dalawa dahil sa dami ng perang nakasabit. Puro blue and yellow bills ang nakapalibot sa bagong-kasal, at ang iba ay inayos pa para magmukhang pamaypay.

Ayon sa netizen na si Ernie Piamonte Balili, mahigit kalahating milyon ang naipon sa prosperity dance ng mag-asawa. Diumano'y Php 629,000 ang naipon nila mula sa mga isinabit na pera sa kanilang damit. Siguradong malaking tulong ang perang ito para sa pagsisimula ng kanilang bagong buhay bilang mag-asawa.


Ngunit mukhang hindi ito ang unang beses na nangyari ang ganito kagarbong prosperity dance. Ayon kay netizen Jan Marianed Casten Faeldonia, naging tradisyon na ito sa pamilya ng bride. Sa katunayan, kahit ang mga kapatid niyang babae na ikinasal dati ay nabiyayaan din ng limpak limpak sa salapi mula sa kanilang kasal.

Talagang nakapaswerte nga naman ng mag-asawang mabibiyayaan ng regalo sa kanilang kasal. Pero laging tandaan na hindi lamang pera ang nagpapatibay sa mag-asawa, kundi pagmamahal at respeto sa isa't-isa. Kaya kahit simpleng kasal ay okay na, basta't maaayos ang pagsasama ng dalawa.


Sa inyong lugar, uso rin ba ang pagsasabit ng pera sa mga bagong kasal? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Bagong-Kasal, Nakatanggap ng Php629,000 sa Kanilang Prosperity Dance Bagong-Kasal, Nakatanggap ng Php629,000 sa Kanilang Prosperity Dance Reviewed by Publisher on January 24, 2020 Rating: 5