Tatlong Alagad ni Quiboloy sa California, Arestado ng FBI Dahil sa Fraud


Tatlong administrator ng Pastor Apollo Quiboloy's Kingdom of Jesus Christ ang inaresto ng Federal Bureau of Investigation sa Van Nuys, California, matapos diumanong mag-commit ng immigration fraud. Ni-raid ng mga FBI agents ang kuta ng mga church members noong nakaraang Huwebes at inaresto ang tatlong administrator nito matapos mabuking ang kanilang scheme.

Kasama sa mga inaresto ng mga otoridad ay sina Marissa Duenas, 41, Guia Cabactulan, 59, at Amanda Estopare, 48. Pinipilit ng tatlong ito ang mga church members ng Kingdom of Jesus Christ upang mag-solicit ng pera sa publiko para sa kanilang charity na Children Joy's Foundation USA.



Ayon sa FBI, ang tatlong ito ay sangkot sa pagpapadala ng mga Pinoy sa US. Kapag nasa U.S. na ay ipapakasal naman sila sa mga myembro ng simbahan upang mapanatili lamang sila sa America. Dito na sila sapilitang uutusan na mag-solicit sa kanilang mga area.

Ngunit naniniwala ang FBI na isang scheme lamang ito upang makakuha ng pera para sa kanilang pansariling interes. Ginagamit lamang daw nilang dahilan ang mga mahihirap na bata sa Pilipinas, pero sa katunayan ay sila lamang ang nakikinabang ng pera.



Ayon kay Laura Eimillier, spokeswoman ng FBI, pilit na pinagta-trabaho ang mga church members araw-araw nang walang karampatang bayad. Kapag hindi nakalikom ng sapat na pera, naniniwala ang mga otoridad na pinaparusahan daw ang mga ito sa pamamagitan ng pananakit sa kanila.

"They are forcing these individuals, in some cases, to work all day, solicit funds, for what they are saying for impoverished children in the Philippines. In reality, we believe the money is going to fund the lavish lifestyles of the leaders of this scheme."


Ano ang iyong masasabi tungkol sa ginawang pag-aresto ng FBI sa mga ka-churchmate ni Quiboloy? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Tatlong Alagad ni Quiboloy sa California, Arestado ng FBI Dahil sa Fraud Tatlong Alagad ni Quiboloy sa California, Arestado ng FBI Dahil sa Fraud Reviewed by Publisher on January 30, 2020 Rating: 5