Imbes na Pera, Papel ang Ibinabayad ng Lasing na ito sa Taxi Driver
Kamakailan lamang ay humingi ng tulong ang isang taxi driver sa "Wanted sa Radyo." Si Eduardo Tiongson, isang 42-anyos na taxi driver, ay lumapit upang ireklamo ang naganap sa pagitan nila ng kanyang pasahero. Mula Malabon ay dumayo pa sa Mandaluyong sa tanggapan ni Idol Raffy si Tiongson upang ipagbigay-alam ang insidente.
Sa kanyang interview, inireklamo ni Tiongson ang isang call center agent na naging pasahero niya, si EJ Garalde. Kuha sa camera ang sagutan ni Tiongson at Garalde sa loob mismo ng taxi ni Tiongson. Imbes na pera, pinagpipilitan ng lasing na pasahero na magbayad ng papel sa taxi driver.
Dala ng kanyang kalasingan, hindi na napigil ni Garalde na mag-amok. Sa viral video, ilang beses rin itong narinig na nagmumura, at dumating pa sa puntong hinamon nito ang taxi driver. Ayon sa taxi driver, mabigat sa loob ang ginawa sa kanya ng pasaherong ito.
Ngunit imbes na kasuhan, sa dulo ay nagkasundo ang dalawang kampo na mag-usap na lamang. Nagpahayag rin ng public apology ang call center agent, at ipinaliwanag niya na sadyang hindi niya lamang kinaya ang kanyang kalasingan. Tinanggap naman ito ng buong puso ni Tiongson.
"I commend the passenger about his sincerity of asking forgiveness, and l admire the taxi driver for being such a good person. Keep up the good work sir!" Ito ang comment ng isa sa mga viewers sa Youtube.
Silipin ang buong video dito, at tunghayan ang nakakabilib na taos-pusong public apology ng lasing dito:
Kung sayo nangyari ang karanasan ng taxi driver na ito, ano ang gagawin mo sa iyong pasahero? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Imbes na Pera, Papel ang Ibinabayad ng Lasing na ito sa Taxi Driver
Reviewed by Publisher
on
January 31, 2020
Rating:



Post a Comment