83-Anyos na Lolo, Pinabilib ang mga Doktor sa Mahimalang Paggaling Niya
Ayon sa kasabihan ng matatanda, habang may buhay, may pag-asa. Nangangahulugan ito na kahit ano pa ang pinagdadaanan mong problema, wag basta-basta panghihinaan ng loob at mawalan ng pag-asa. Ito ang pinatunayan ni Tatay Ising, na binasagang 'Miracle Man' sa social media dahil sa kanyang nakakamanghang kwento.
Usap-usapan ngayon sa Facebook ang mahimalang paggaling ni Tatay Ising sa kanyang sakit. Sa edad niyang 83-anyos, isang napakalaking himala ang maka-recover pa siya mula sa pagkaka-ospital. Pero pinatunayan ni Tatay Ising na walang imposible kung mananalig ka.
Ibinahagi ng anak ni Tatay Ising na si Arceli Aquino ang nakakamanghang kwento ng paggaling ni Tatay Ising. Isang araw ay isinugod sa ospital ang matanda matapos ito mahirapan huminga. Ilang linggo siyang nanatili sa ospital, at sa huli'y napagdesisyunan ng mga doktor na tubuhan siya upang makahinga nang maayos.
Sa edad niyang 83-anyos, marami ang nababahala na baka hindi na kayanin ng katawan ni Tatay Ising ang pagtubo sa kanya. Ngunit araw-araw rin niyang pinapabilib ang kanyang pamilya at mga doktor. Dahil imbes na manghina, ginawa itong inspirasyon ni Tatay Ising upang magpagaling lalo.
Ayon kay Arceli, hindi papayag ang tatay niya na basta-basta na lamang sumuko, dahil nais nitong umabot pa sa 100 ang edad niya. Sa tulong ng mga doktor at sa suporta ng pamilya niya, unti-unting nanumbalik ang lakas ni Tatay Ising.
"Nakita namin sakanya kung gaano sya kalakas at katapang. Nakita namin sakanya na ganon nya kagusto na mabuhay pa. Nakita namin kung gaano kalakas yung faith nya na gagaling sya. I testify kung gaano katotoo yung Priesthood Power. Kahit mga doctor and nurse sobrang hanga sa kanya at tinawag sya na 'Miracle Man.'"
Marami naman ang na-inspire sa kwento ni Tatay Ising. Sa Facebook, umani na ng mahigit sa 82k shares ang kwento niya!
Isa rin ba kayo sa mga nainspire ni Tatay Ising? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
83-Anyos na Lolo, Pinabilib ang mga Doktor sa Mahimalang Paggaling Niya
Reviewed by Publisher
on
January 30, 2020
Rating:






Post a Comment