Tatay ni Maine Mendoza, Wala Raw Tiwala Kay Arjo Atayde Para sa Anak?
Isa sa mga malalaking pasabog ng 2019 ay ang pag-amin ni Maine Mendoza at Arjo Atayde sa kanilang relasyon. Maraming fans ang natuwa, ngunit marami rin ang nadismaya, dahil hanggang ngayon ay umaasa pa rin sila nag ang makakatuluyan ni Maine ay ang kanyang AlDub partner na si Alden Richards.
Karamihan sa mga Aldub fans ay boto kay Alden para kay Maine, kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit marami rin ang nalungkot nang maging official na sila ni Arjo. Hindi rin maiwasan ng ibang fans na ikumpara si Arjo Atayde kay Alden Richards.
Kamakailan lang ay usap-usapan rin sa social media kung kanino mas boto ang pamilya ni Maine, kay Arjo nga ba o kay Alden? Hindi matapos-tapos ang usapan na ito, at bawat fans ay may kanya-kanyang haka-haka tungkol sa kung sino ang mas pabor sa pamilya ni Maine.
Ayon sa ibang Aldub fans, mayroong mga patunay na walang tiwala ang tatay ni Maine sa kanyang boyfriend ngayon. Kung inyong matatandaan, noong nakaraang Decembe 2019 ay nagbakasyon si Maine at Arjo kasama ang mga kapatid ni Maine.
Ayon sa mga fans, kung totoong may tiwala ang tatay ni Maine kay Arjo, bakit niya pa ipinasama ang mga kapatid ni Maine sa kanilang bakasyon? Hindi ba't kung may tiwala sila, kampante sila kahit pa magbakasyon si Maine at Arjo ng walang kasama?
Sa kabilang banda, lahat ng mga ito ay haka-haka lamang ng mga fans sa social media. Sa huli, ang makakapagdesisyon pa rin dito ay si Maine, Arjo, at mga pamilya nila. Maging masaya na lang tayo para sa dalawa, dahil hanggang ngayon ay going strong pa rin ang relasyon nila.
Sa katunayan, nag-celebrate si Maine at Arjo ng kanilang 1st anniversary noong December. Stay strong, ArMaine!
Ikaw, excited ka na rin bang makita kung ano ang susunod na kabanata sa relasyon ni Maine at Arjo? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Tatay ni Maine Mendoza, Wala Raw Tiwala Kay Arjo Atayde Para sa Anak?
Reviewed by Publisher
on
January 25, 2020
Rating:




Post a Comment