Balikan ang mga Stationary na Patok Dati sa Mga Batang 90s
May mga bagay talaga na nakakapagbalik ng alaala ng nagdaang araw. Kahit pa simpleng bagay lamang, kung mahalaga ito para sayo, siguradong magiging malapit din ito sa puso mo. Katulad na lamang ng stationary na ito, na mukhang simple man sa unang tingin, hindi mo naman aakalain na naging mahalagang bahagi ito ng nakaraan.
Noong dekada 80s at 90s, hindi pa uso ang cellphone at social media. Kaya naman kung may gusto kang sabihin sa taong espesyal sayo, idaan mo na lang ito sa sulat! At syempre, hindi lang basta-bastang papel ang gagamitin mo sa iyong liham.
Naaalala mo pa ba ang mga espesyal na papel na ito? Dati sy usong-uso ang mga stationary na ganito. Sa bawat pahina ng mga makukulay na papel na ito ay ibinubuhos ang iba't-ibang emosyon, tulad na lamang ng pagmamahal, panliligaw, pagsagot sa iyong manliligaw, at marami pang iba.
Sa katunayan, maraming young adults dati ang nangongolekta ng mga stationary. May kapareho pa itong ballpen, na gagamitin lamang para sa isang espesyal na tao o crush. Mayroon ding scented stationary, kung nais mong mas maging presentable ang iyong sulat.
Ngunit sa paglipas ng panahon ay tila nabaon na rin sa limot ang mga stationary na ito. Nang mauso ang cellphone, unti-unti nang naisantabi ang tradisyonal na pagsulat ng liham. Kung dati ay mage-effort ka talagang magsulat, ngayon ay madali na lamang magpadala ng mensahe sa Facebook.
Gayunpaman, nakakatuwa pa ring balikan ang mga stationary na ito. Sa tuwing titignan mo ang mga pahina, para bang binibisita mo na rin ang iyong nakaraan. Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit binansagan itong pambansang papel ng mga batang 90s!
Ikaw, naranasan mo rin bang magsulat ng liham sa stationary na ito dati? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Balikan ang mga Stationary na Patok Dati sa Mga Batang 90s
Reviewed by Publisher
on
January 25, 2020
Rating:




Post a Comment