Taong Grasa na 5 Taon ng Nawawala, Muling Natagpuan ng Kapamilya
Wala na sigurong mas sasakit pa ang mawalay sa iyong kapamilya. Minsan, may mga taong hindi na nakikita pa ang kanilang kapamilya na nawala, pero meron din namang ilan na pinalad na mahanap muli sila. Ito ang makapagbagbag-damdamin na naging karanasan ng dalawang magkapatid na ito, na matagal nawalay sa isa't-isa.
Isang netizen ang nakasaksi sa nakakaiyak na tagpong ito sa Pateros. Ayon kay Ric Oliver, noong January 20 ay mayroon silang nakitang taong grasa. Noong una ay hindi lamang nila ito binigyan ng pansin, ngunit makalipas ang ilang oras, nagulat sila ng lapitan ng isang babae ang taong grasang ito.
"Nilapitan nung babae si kuya, niyakap at sabay sabing 'Kuya naaalala mo pa ba ako?' Umiiyak si ate at panay yakap sa lalaki. Narinig ko may kausap si ate sa cp, sabi niya 'Nay nakita ko na po si kuya, iuuwi ko na dyan.'" Ito ang pahayag ni Oliver sa Facebook.
Nagbahagi rin si Oliver ng video, kung saan makikita ang nakakaiyak na reunion ng taong grasa at ng kapatid niya. Niyayakap ng babae ang kanyang kuya, halatang sabik na sabik itong makita siyang muli. Hindi rin mapigilan ng taong-grasa ang maiyak matapos muling makasama ang kanyang kapatid.
Ayon sa saksi, mahigit limang taon nang nawalay ang lalaki sa kanyang pamilya. Sa Batangas pa siya nawala, at walang kamalay-malay ang pamilya niya nakarating na pala siya ng Metro Manila. Ilang taon rn ang ginugol nila sa paghahanap sa kanilang nawalang kapamilya, at halos mawalan na sila ng pag-asa.
Sa kabilang banda, maraming netizens rin ang naantig sa nakakaiyak na tagpong ito. Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 16,000 shares ang video na ito sa Facebook. Marami rin ang nag-aasam na malaman ang totoong kwento ng magkapatid at sana'y ma-feature sila sa Kapuso Mo, Jessica Soho.
Panoorin ang video dito:
Na-touch ka rin ba sa emosyonal na reunion ng babaeng ito at ng kanyang kapatid? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Taong Grasa na 5 Taon ng Nawawala, Muling Natagpuan ng Kapamilya
Reviewed by Publisher
on
January 25, 2020
Rating:



Post a Comment