Tatay na Hindi Pumunta sa Burol ng Anak, May Pasabog Tungkol sa Nanay!
Para sa isang nanay, wala na sigurong mas sasakit pa ang mawalan ng anak. Talagang napakasakit ito para sa kahit sinong magulang, kaya nararapat lamang na magkaroon ng kadamay sa mga panahong ito. Ngunit para sa babaeng ito, doble doble ang sakit na naranasan niya dahil nawalan na siya ng anak, nawalan pa siya ng asawa.
Usap-usapan sa social media ang nakakaiyak na kwento ni Madel Togonon. Lahat na yata ng pasakit ay naranasan ni Madel sa kamay ng kanyang ka-live in partner na si Nico Panerio. Sa kanyang viral Facebook post, inihayag ni Madel ang mga pinagdaanan niya hanggang sa pagkawala ng kanyang anak.
Napukaw rin ang atensyon ni Raffy Tulfo sa isyung ito, kaya inimbita nila si Madel sa "Wanted sa Radyo" upang marinig ang side nito. Ayon kay Madel, dati pa man ay pumapalya na sa suporta si Nico sa kanilang anak na si Ayah. At nang pumanaw ang anak nila dahil sa meningitis, hindi rin nagpunta o kahit sumilip man lang sa burol si Nico.
Ayon pa kay Madel, habang kritikal ang kanyang anak sa ospital ay nagha-happy happy naman si Nico kasama ang kanyang mga barkada. May mga video at picture na nagpapakita na kahit habang nasa ospital ang anak niya, si Nico naman ay nakikipag-inuman at nagagawa pang mag-DOTA.
Tumanggi naman si Nico na magbigay ng pahayag sa programa ni Idol Raffy. Sa halip ay sa social media rin siya nag-post ng kanyang hinanaing. Ayon kay Nico, kaya lamang siya hindi nagpunta ng burol at libing ng anak niya ay dahil pinagbantaan siya ng kapatid ni Madel. Bukod pa dito, pinabulaanan niya rin ang akusasyon na hindi siya nagsusuporta sa kanyang anak.
Dahil dito, sa tulong ni Raffy Tulfo ay napagdesisyunan ni Madel na sampahan ng kaso sa Violence Against Women and Children si Nico. Upang matulungan siyang makabangon, nag-volunteer si Idol Raffy na tustusan ang masteral ni Madel, upang tuluyan na siyang makapagturo bilang guro.
Panoorin ang buong pangyayari dito:
Sa iyong palagay, dapat bang managot sa kanyang kasalanan ang lalaking ito? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Tatay na Hindi Pumunta sa Burol ng Anak, May Pasabog Tungkol sa Nanay!
Reviewed by Publisher
on
January 27, 2020
Rating:

Post a Comment