Silipin ang Nakakatuwang ID ni Steve Dailisan Bilang Piloto


Sa paglipas ng panahon, marami ng mga reporters ang tumatak sa puso ng publiko. Dahil sa paghahatid ng balita sa araw-araw, naging pamilyar na rin ang mukha nila sa telebisyon. Isa sa mga reporters na tumatak na sa ating isipan ang ang GMA News reporter na si Steve Dailisan, na mas kilala sa kanyang tagline sa TV bilang "Steeeeve Dailisan."

Isa sa mga pinakilalang reporter si Steve sa Kapuso network. Ngunit hindi rin nagtagal at iniwan niya ang industriya ng media para tahakin ang isa niya pang pangarap: ang pagiging piloto. Kaya naman maraming fans ang nalungkot nang magpaalam si Steve.



Noong October taong 2018, pormal na nagpaalam si Steve Dailisan sa pagiging reporter. Mas pinili niyang mag-focus muna sa kanyang pangarap, kaya naman minabuti niyang umalis sa Kapuso network. Dito na nagsimula ang journey niya upang maging commercial pilot.

At dahil sa kanyang sipag, tiyaga, at determinasyon, sa wakas ay naabot na rin ni Steve ang matagal na niyang pinapangarap. Noong April 2019, natapos ni Steve ang kanyang Commercial Pilot License (CPL) Check RideIbinahagi ito ng dating reporter sa social media, bagay na ikinatuwa naman ng kanyang mga fans.



"After years of being ON AIR, who would've thought that now I am LITERALLY ON AIR. Pag itinadhana, ipagkakaloob sayo ng higit pa sa iyong inaakala. Huwag ka lang mapapagod sumubok at magtiyaga," ito ang nakaka-inspire na pahayag ni Steve sa Facebook.

Ngunit kahit pa pilot na siya sa Cebu Pacific ngayon, binabalikan pa rin ni Steve ang mga panahon noong reporter pa rin siya sa GMA News. Kaya naman sa kanyang ID bilang commercial pilot, "Steeeeeve" ang nakalagay. Ayon sa dating reporter, para may consistency pa rin kahit pa piloto na siya.


Namangha ka rin ba sa nakakainspire na kwentong ito ni Steve Dailisan? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Silipin ang Nakakatuwang ID ni Steve Dailisan Bilang Piloto Silipin ang Nakakatuwang ID ni Steve Dailisan Bilang Piloto Reviewed by Publisher on January 27, 2020 Rating: 5