Gone too soon: LeBron James, Emosyonal sa Pagkawala ni Kobe Bryant
Buong mundo ang nagluksa sa pagkawala ng NBA legend na si Kobe Bryant. Linggo ng umaga nang mag-crash ang helicopter na sinasakyan ni Kobe at ng kanyang 13-anyos na anak na si Gianna sa isang burol sa Calabasas, Los Angeles California. Tinatayang siyam na sakay ng helicopter ang hindi nakaligtas.
Isa sa mga labis na nalungkot sa balitang ito ay ang NBA player at kaibigan ni Kobe na si Lebron James. Sa isang footage mula sa CNN, kitang-kita na emosyonal ang 35-anyos na LA Lakers player habang naglalakad sa airport sa Los Angeles. Itinuring na mentor ni Lebron si Bryant, kung kaya naman labis din niyang dinamdam ang pagkawala nito.
Sa huling tweet ni Kobe noong January 25, nagbigay papugay rin siya kay Lebron James. Matatandaang mayroon ding interview si James sa ESPN noong January 25, kung saan ibinahagi niya kung paano binago ni Bryant ang buhay niya.
Sa exclusive interview, ibinahagi ni Lebron ang mga aral na natutunan niya mula kay Bryant. Ayon sa LA Lakers player, isa si Kobe sa mga nagpalakas sa loob niya upang tahakin ang basketball. Siya din diumano ang nagturo kay Lebron ng kahalagahan ng pagsisikap.
"I remember one thing that he said. He was, like, 'If you want to try to be great at it, or want to be one of the greats you have to put the work in. There's no substitution for work.'"
Ayon kay Lebron, isa ring 'dream come true' ang makasama sa laro si Kobe. Noong 2008, nagsama ang dalawa sa iisang team sa 2008 USA Olympic Basketball team na ginanap sa Beijing, China.
Isa rin ba kayo sa nalungkot sa pagkawala ng NBA legend na si Kobe Bryant? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Gone too soon: LeBron James, Emosyonal sa Pagkawala ni Kobe Bryant
Reviewed by Publisher
on
January 27, 2020
Rating:




Post a Comment