Bwelta ng Foreigner na Asawa ni Madam Kilay, Ginamit Lang Siya Upang Kumita!


Pagkatapos ng Jadine, si Madam Kilay naman! Mukhang hindi maganda ang pasok ng 2020 sa mga magkasintahan. Hindi pa tayo nakakamove-on sa hiwalayan ng Jadine, may bago na namang celebrity couple ang naghiwalay. Kamakailan lang ay ibinahagi ng vlogger na si Madam Kilay na hiwalay na sila ng kanyang asawang foreigner.

Si Jinky Anderson, o mas kilala bilang Madam Kilay, ay isang sikat na vlogger sa social media. Kadalasan ay kasama niya sa kanyang vlogs si Paul, ang asawa niyang foreigner. Naging patok na rin sa mga netizens ang mga vlogs nila, kaya naman marami ang nalungkot nang tuluyan nang maghiwalay ang dalawa.



Isang emosyonal na Madam Kilay ang humarap sa kanyang mga fans. Malayo sa dating bibo at masayahing vlogger, hindi niya mapigilang maging emosyonal habang inaalala ang kanilang mapait na break-up ni Paul. Nagpakita rin siya ng mga screenshots na diumano'y nagpapatunay na hindi siya ang sumuko sa relasyon nila.

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 7 million views ang revelation na ito ni Madam Kilay sa Facebook. Sa kabilang banda, nagbigay rin ng statement si Paul sa social media at pinaratangang sinira ni Madam Kilay ang tiwala nito sa kanya dahil sa pag-upload ng isang video na labag sa loob niya.



"She humiliated me in-front of thousands of you that saw that for the sake of content. She threw away our love and amazing relationship for the sake of content. I expect to lose a majority of my fan base because it’s for her that I gained this bit of a following but that’s okay," ito ang pahayag ni Paul sa Facebook.

Parang kailan lang nang ipinakilala ni Madam Kilay ang kayang asawa sa social media. Kung inyong matatandaan, February 2019 nang unang ibahagi ng sikat na vlogger na masaya siya sa kanyang love life. Ngunit sino nga ba ang mag-aakalang ilang buwan lang ang lilipas at mauuwi rin sila sa hiwalayan.


Nalungkot rin ba kayo sa hiwalayang ito ni Madam Kilay at ni Paul? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Bwelta ng Foreigner na Asawa ni Madam Kilay, Ginamit Lang Siya Upang Kumita! Bwelta ng Foreigner na Asawa ni Madam Kilay, Ginamit Lang Siya Upang Kumita! Reviewed by Publisher on January 26, 2020 Rating: 5