Sino ang Kapuso Star na ito na Bagong Leading Lady ni Alden Richards?
Pinatunayan ni Alden Richards na kaya niyang sumabak sa kahit anong role. Marami ang nagsabi na baka malaos ang aktor nang mabuwag ang AlDub, pero hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin ang kanyang career. Pagkatapos ng kanyang tambalan kay Kathryn Bernardo, sino naman kaya ang susunod na makakapares ni Alden?
Yan ang tanong na bumabagabag sa mga fans. Nang matapos ang project ni Alden at Kathryn na "Hello Love, Goodbye," muling nag-abang at nacurious ang mga fans kung sino ang next na leading lady ng Kapuso star. Kaya naman marami ang na-excite sa new announcement na ito.
Ngayon 2020 at mayroong panibagong project si Alden, ngunit sa pagkakataong ito ay balik muna sa telebisyon ang aktor. Kamakailan lang ay na-excite ang mga fans sa posibilidad na may bagong makatambal si Alden. Makakapareha niya si Julie Anne San Jose sa bagong Sunday noontime show sa "All Out Sunday."
Aware naman si Julie Anne sa mga posibilidad kung sakaling magiging leading lady siya ni Alden Richards. Ayon sa Kapuso singer, alam niya kung gaano ka-intense ang fan base ni Alden, kaya maging siya'y nagkaroon ng agam-agam noong una silang pinag-partner.
"I'm not really expecting for anything like tatanggapin ako or hindi. I mean it's totally okay, I mean I respect their opinion. Wala naman din pong kaso sa akin yon, I've wanted to fulfill my job and I just wanted to do my best lang. Walang kaso sa akin kung sino man yong makatrabaho," pahayag ni Julie Anne.
Sa kabilang banda, maraming fans naman ang excited sa bagong tambalang ito. Makikita kaya natin ang chemistry ng dalawa sa harap ng camera? Abangan na lang natin sa premiere ng "All Out Sunday."
Excited na rin ba kayong mapanood si Alden at ng bagong leading lady niya? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Sino ang Kapuso Star na ito na Bagong Leading Lady ni Alden Richards?
Reviewed by Publisher
on
January 26, 2020
Rating:






Post a Comment