Marcelito Pomoy, Malaki ang Utang na Loob sa Supportive na Misis


It's official! Pasok na sa semi-finals ng talent program na "America's Got Talent" amg pambato ng Pinas na si Marcelito Pomoy. Dahil sa kanyang nakakamanghang performance ng "The Prayer," nasungkit ni Pomoy ang puso ng mga viewers at judges. Dahil dito, isa siya sa mga magpapatuloy sa semi-finals ng programa.

Sa kanyang exclusive interview sa Philippine Entertainment Portal (PEP), ibinahagi ng 35-anyos na singer ang kanyang karanasan sa pagsali sa AGT. Hindi ito katulad ng pag-compete niya sa "Pilipinas Got Talent" noong 2011, dahil sa pagkakataong ito ay international stage na ang tatahakin ni Marcelito.



READ ALSO: Simon Cowell, Napa-Standing Ovation sa Performance ni Marcelito Pomoy


Sa kanyang exciting journey, aminado si Marcelito na malaki rin ang utang na loob niya sa kanyang asawang si Joan. Ayon sa singer, si Joan ang nag-udyok sa kanya na mag-audition, at ito rin ang nagsilbing interpreter ni Marcelito nang sumabak na siya sa programa:

"Sobra akong nagpapasalamat sa wife ko. Siya iyung tumulong sa akin, siya iyong nag-build up sa akin pataas. Kasama ko siya, binigyan ko siya ng trabaho. Interpreter siya. Nakakasagot naman ako pero tipong natatakot ako. Dahil sa sobrang kaba, name-mental block ako, e!"



Sa kanyang pulidong performance, isang confident na Marcelito ang napanood ng mga judges. Ngunit sa kabila ng lahat, aminado ang dating PGT champion na hindi rin naging madali ang kanyang performance. Dahil first time niyang mag-perform sa international stage, grabe rin ang kaba at pressure na naramdaman ni Marcelito.

Gayunpaman, manalo o matalo, malaki pa rin ang pasasalamat niya sa show na ito. Ayon kay Marcelito, ang makasali lang sa semi-finals ay napakalaking opportunity na para sa kanya. Sigurado namang susuportahan siya ng kanyang mga Filipino fans hanggang sa dulo.



Excited ka na rin bang mapanood ang laban ni Marcelito Pomoy sa "America's Got Talent?" I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Marcelito Pomoy, Malaki ang Utang na Loob sa Supportive na Misis Marcelito Pomoy, Malaki ang Utang na Loob sa Supportive na Misis Reviewed by Publisher on January 26, 2020 Rating: 5