Dating Service Crew sa Fastfood, Proud na Abogado na Ngayon!
Sabi nga nila, kung walang tiyaga, walang nilaga. Ano man ang katayuan mo ngayon sa buhay, may pag-asa pa itong mabago basta't sasamahan mo lamang ng sipag at tiyaga. Mahirap man ang iyong pagdadaanan, siguradong magiging worth it naman ito sa huli lalo pa't pag nakamit mo na ang iyong matagal nang pinapangarap.
Maraming netizens ang na-inspire sa kwentong ito ng isang lalaki. Kumakalat ngayon sa Twitter ang nakaka-inspire na journey ni Atty. Howard Chan, na mula sa pagiging service crew ay naging abogado! Pinatunayan ni Atty. Howard Chan na kayang abutin ang pangarap, basta't madiskarte.
Ayon sa Twitter page na "Korte Supremo," dating fast food chain service crew si Chua. Ngunit hindi lang dito nagtatapos ang pangarap niya, dahil dati pa man ay may ambisyon na itong maging isang ganap na abogado. Ilang taon ang nakalipas at natupad rin ang pinapangarap niya!
"From being a McDonald’s crew to being a lawyer. There’s no such thing as a ‘big’ dream because dreams are meant to be big — even bigger than your doubts. My time will come. I am claiming it," ito ang maikli, ngunit nakakainspire na mensahe ni Atty. Chan sa Twitter.
Nagbahagi rin siya ng larawan ng kanyang ID, upang ipakita ang kanyang progress sa paglipas ng panahon. Noong 2007 ay nagta-trabaho siya bilang service crew sa McDonalds sa Baguio City. Ilang taon ang nakalipas, at mayroon na siyang ID mula sa Integrated Bar of the Philippines.
Maraming netizens ang talaga namang na-inspire sa kwentong ito ni Atty. Howard Chan. Nagpapatunay lang ito na walang pangarap ang mahirap abutin, basta't determinado ka. Saludo kami sayo, Atty. Chan!
Na-inspire ka rin ba sa nakakamanghang kwento kung paano nabago ang buhay ng lalaking ito? I-share ang iyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Dating Service Crew sa Fastfood, Proud na Abogado na Ngayon!
Reviewed by Publisher
on
January 26, 2020
Rating:



Post a Comment