LA Lakers Star Kobe Bryant at Anak na si Gianna, Nasawi sa Helicopter Crash
Isang malungkot na balita ang bumungad sa mga basketball fans sa buong mundo. Nitong nakaraang linggo, namaalam na ang NBA legend na si Kobe Bryant. Maraming fans ang nalungkot matapos malamang isa si Kobe sa mga naaksidente sa isang helicopter crash sa Calabasas, Los Angeles California. Naganap ang insidenteng ito alas dyes ng umaga sa U.S.
Sa isang press conference, ipinahayag ng Los Angeles County Sheriff na bandang alas dyes ng umaga noong Linggo ay may natanggap silang tawag. Ayon sa saksi, may nag-crash na helicopter sa isang isolated field. Agad namang rumesponde ang mga firefighters upang apulahin ang apoy sa scene.
Sa kasamaang palad, walang nakaligtas sa mga pasahero ng helicopter. Doon na lamang napagalaman ng mga otoridad na isa ang LA Lakers legend sa mga pasahero. Kasama rin ng 41-anyos na si Kobe ang kanyang 13-anyos na anak na si Gianna, na isa ring promising athlete.
Ayon sa mga sources, nakasakay si Kobe sa kanyang private aircraft kasama ang kanyang anak na si Gianna at pito pang pasahero. Hanggang ngayon ay tinutukoy pa rin ang pagkakakilanlan ng ibang nakasakay sa helicopter. Ayon naman sa LA County Sheriff, iniimbestigahan pa nila ang sanhi ng helicopter crash.
Sa isang statement, ipinahayag ng NBA ang kanilang pakikiramay sa pamilya ng basketball legend. Sa kanilang statement, binansagan ng NBA si Kobe bilang "one of the most extraordinary players in history." Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag ang mga naiwan ni Kobe na kanyang asawa at tatlong anak.
Nalungkot ka rin ba sa biglaang pagkawala ng NBA legend na si Kobe Bryant? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
LA Lakers Star Kobe Bryant at Anak na si Gianna, Nasawi sa Helicopter Crash
Reviewed by Publisher
on
January 27, 2020
Rating:






Post a Comment