Silipin ang Mala-Hotel na Mansion ni Diane Medina at Rodjun Cruz


Lahat tayo ay mayroong inaasam-asam na dream house. Wala na sigurong mas sasarap pa sa pakiramdam kapag nakamit mo na ito! Kaya naman ang celebrity couple na si Diane Medina at Rodjun Cruz, todo-kayod para mapagawa ang dream house nila. At sa wakas, matapos ang mahabang paghihintay ay natapos din ito!

Sa Instagram, ipinasilip ng soon-to-be-husband-and-wife ang kanilang 3 storey mansion. Malawak na lupain ang kinatitirikan ng kanilang modern home, kaya naman paniguradong hindi rin basta-basta ang presyo nito! Ayon sa aktres, hindi naging madali ang pagpapatayo ng kanilang dream house.


"Our first house and our first investment together. 2 months in search for the best contractor, 1 month of fixing permits, 1 year and 6 months of house construction from the ground-up, and 2 months furnishing the house. We both worked really really really hard for this."

Sa isang video, kitang-kita kung gaano kalawak at kagarbo ang dream house ni Diane at Rodjun. Mayroong high-ceilinged na sala, home theater, at walk-in closet! Saktong-sakto rin ito sa timing, lalo pa't malapit na ang kasal ng dalawa.




Ang kanilang tatlong palapag na bahay ay mayroon ring malawak na garden, kung saan ginanap ang kanilang house blessing. Bago ang kanilang kasal, napuno ng mga bisita ang kanilang mansion upang masaksihan ang house blessing ni Diane at Rodjun.

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang nagpaabot ng kanilang pagbati sa dalawa. Talagang iba ang nagagawa ng sipag at tyaga para maabot ang pangarap! Pinatunayan lang ni Diane at Rodjun na bago mag-asawa, dapat ay handa na ang lahat upang maging maginhawa rin ang pagsasama.


Excited ka na rin bang makita ang house tour ng bonggang dream home ni Diane Medina at Rodjun Cruz? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Silipin ang Mala-Hotel na Mansion ni Diane Medina at Rodjun Cruz Silipin ang Mala-Hotel na Mansion ni Diane Medina at Rodjun Cruz Reviewed by Publisher on January 04, 2020 Rating: 5