Luneta Park, Ikinumpara sa Central Park ng New York sa Nakakamanghang Drone Shot na ito
Ang Luneta Park ay isa sa mga pinagmamalaking historical sites ng Pilipinas. Panahon pa lamang ng mga Kastila ay mayaman na sa kasaysayan ang historical site na ito, dahil dito rin binawian ng buhay ang ating pambansang bayani na si Jose Rizal. Ngayon, ang Luneta Park ay isa sa mga lugar na sumisimbolo sa Pilipinas.
Upang mapangalagaan ang Luneta Park, hanggang ngayon ay naglalaan ng budget ang gobyerno para dito. Ito rin ang madalas na pinapasyalan ang mga turista na gustong magliwaliw at mag-relax. At matapos mong mapanood ang video na ito, siguradong nanaisin mo na namang bumalik sa Rizal Park!
Sa Facebook, ibinahagi ni Jer Sandel, isang photographer, ang kanyang drone shot sa Luneta Park. Sa video, kuhang-kuha nito ang kabuuan ng historical site, pati na rin ang mga museo at high-rise na katabi nito. Talagang magugulat kayo sa itsura ng Luneta Park sa ere!
"It was quite a surprise to see Rizal Park this beautiful from above. The area stands out as an urban oasis in the world’s most densely-populated city. All those greens complementing the soft hues of Manila Bay and its famous sunset make for such a remarkable sight."
May mga nag-comment na netizens na ikinumpara ang Luneta Park sa Central Park sa New York City. Ayon sa kanila, nagmistulang luntiang kagubatan ang parke sa gitna ng siyudad. Lutang na lutang ang kagandahan nito sa mga katabi nitong building at establisyimento.
Sa kabilang banda, umani naman ng papuri sa mga netizens ang photographer na ito. Ayon kay Sandel, sa paglipas ng panahon ay sana'y hindi masira ang Luneta Park. Kasabay ng mga commercial development na nagaganap sa Maynila, sana'y ma-preserve pa rin ang historical site na ito na nagsisilbing mahalagang simbolismo sa ating mga Pinoy.
Namangha ka rin ba sa napakagandang drone shot ng Luneta Park na ito? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Luneta Park, Ikinumpara sa Central Park ng New York sa Nakakamanghang Drone Shot na ito
Reviewed by Publisher
on
January 04, 2020
Rating:

Post a Comment