Delivery Man na Nag-Oovertime Para sa mga Anak, Viral Ngayon sa Social Media


Ilang araw na lang ay Pasko na, kaya naman lahat ay busy sa pagkayod upang mayroong ipambigay ng aguinaldo. Isa sa kanila ay ang delivery man na ito, na nag-viral ngayon sa social media. Maraming tao sa humanga sa kanya dahil kahit na hating-gabi na, tuloy pa rin ang pagkayod nito para lamang sa kanyang pamilya.

Sa Facebook, ibinahagi ng netizen na si John Merlin ang nakakaantig na kwento ng delivery man na ito. Dahil papalapit na ang Pasko, dumagsa na rin ang mga order sa Shopee at Lazada. Isa si kuya sa mga delivery man na naniniguradong maidedeliver sa mga customer ang kanilang package.



Ngunit si Kuya, kahit gabi na ay tuloy pa rin sa pagkayod! Hindi ito isang biro, lalo pa't hindi madali ang trabaho ng isang delivery man. Dahil dito, lubos na napahanga si Merlin sa masipag na delivery man:

"Kung sino ka man kuya SALUDO ako sayo. Ginagawa mo yan para sa mga anak mo. Nakwento mo samin 6 a.m. nag deliver ka na kasi sabi mo magpapasko para sa mga anak mo. Time check, 9:23 p.m. nagdedeliver ka pa. Hanga ako sa mga katulad mo kuya!"



Sa kabilang banda, umani naman ng iba't-ibang reakyon ang post na ito. Sa social media, maraming tao ang talagang humanga sa delivery rider na ito dahil sa kanyang kasipagan. Talagang nakakahanga dahil kahit pagod at puyat, kumakayod pa rin siya para lamang sa kanyang mga anak.

May mga netizens naman na nanawagan sa kompanyang pinagta-trabahuhan ng delivery rider. Ayon sa mga netizens, nararapat lang na parangalan si Kuya dahil sa kanyang kasipagan sa trabaho. Sana nga'y makatanggap siya ng munting regalo man lang, lalo pa't ilang araw na lang ay magpa-Pasko na!




Humanga ka rin ba sa kasipagan ng delivery rider na ito, na tuloy-tuloy pa rin sa pagkayod? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Delivery Man na Nag-Oovertime Para sa mga Anak, Viral Ngayon sa Social Media Delivery Man na Nag-Oovertime Para sa mga Anak, Viral Ngayon sa Social Media Reviewed by Publisher on January 03, 2020 Rating: 5