Sekyu na Nagpanggap na Pulis, Natanggal ang Angas Nang Makaharap si Tulfo


Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang video ng isang lalaki at isang isaw vendor. Sa video, kitang-kita kung paano naging maangas at sinigawan ng lalaki ang vendor. Kahit pa sa harapan ng maraming tao ay hindi ito nahiya. Dumating pa sa punto na nagpakilala siya bilang pulis sa kanyang mga nakakasagutan.

Ang lalaking sumisigaw sa video ay kinilala bilang si Rex Baltisoto. Kung sa video ay pulis ang pakilala niya sa kanyang sarili, sa totoong buhay naman ay security guard si Rex. Maraming netizens ang nainis sa attitude niya, kaya naman agad rin itong nakarating kay Raffy Tulfo.



Kahit anong angas mo, siguradong hindi ka uubra kay Rafy Tulfo! Nawala ang tapang ng security guard na ito na nagpanggap na pulis matapos niyang makausap si Raffy Tulfo mismo. Kung dati ay nagawa niyang mag-angas, ngayon naman ay todo sorry siya sa vendor na sinigawan niya sa video.

Sa kanyag interview, inamin ni Rex na nagsinungaling siya sa pagiging pulis, ngunit ginawa niya lang daw iyon upang ipagtanggol ang sarili niya. Ngunit kahit pa nag-sorry na siya, hindi naman it basta-bastang pinalagpas ni Raffy Tulfo upang magtanda ang maangas na sekyu.



Nakarating na rin sa Supervisory Office for Security and Investigation Agencies ang kontrobersyang ito. Ayon sa hepe ng Complaints Investigation Division ng SOSIA na si Major Jojo Sabeniano, nahaharap sa seryosong problema si Baltisoto. Maaari rin siyang matanggalan ng lisensya pag napatunayang nagkasala siya.

Sa kabilang banda, wiling naman tulungan si Idol Raffy ang biktimang vendor na pinahiya ni Baltisoto. Sa ngayon ay wala pang update kung kakasuhan ba si Baltisoto, ngunit para sa karamihan ng mga netizens, mas maiging makasuhan siy aupang magtanda na sa susunod.

Panoorin ang video dito:


Sa iyong palagay, dapat kayang pagbayaran ni Baltisoto ang ginawa niya, o dapat kaya'y bigyan muna siya ng second chance? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Sekyu na Nagpanggap na Pulis, Natanggal ang Angas Nang Makaharap si Tulfo Sekyu na Nagpanggap na Pulis, Natanggal ang Angas Nang Makaharap si Tulfo Reviewed by Publisher on January 22, 2020 Rating: 5