68-Anyos na Lolo, Pinabayaan na Lamang ng mga Anak sa Taal Island


Kamakailan lamang ay nayanig ang Pilipinas sa pag-alburoto ng taal. Sa muling pagiging aktibo ng bulkang Taal, libo-libong tao ang nawalan ng tahanan. Sa Taal island at mga kalapit-bayan ng Batangas, kinailangang lumikas ng mga residente upang hindi maapektuhan ng nakaambang pagputok ng bulkan. Dahil sa nakaambang peligro, agad na nagpatupad ang gobyerno ng forced evacuation.

Naiwan ang mga bahay, gamit, ari-arian, at maging mga alagang hayop ng residente. Ngunit sa gitna ng kalamidad, aakalain mo bang may mga tao rin pang nakakalimutan? Ito ang mapait na sinapit ng lalaking ito, na nakalimutan diumanong balikan ng kanyang mga anak na nakalikas na.


Ayon sa kanyang interview sa Abante noong January 19, ibinahagi ng 68-anyos na si Eusebio Cacao ang ginawang pag-aabandona sa kanya ng kanyang mga anak. Hanggang ngayon ay nasa Taal islang pa rin si Tatay Eusebio at iniinda ang volcanic ash at peligro sa paligid. Ayon sa kanya, nakalimutan siyang balikan ng kanyang mga anak.

Nang mapabalita ang posibleng pagsabog ng bulkan, mas piniling manatili ni Tatay Eusebio sa Taal island kaysa lumikas. Ngunit nagdamdam siya nang hindi man lang siya kinamusta ng kanyang mga anak.



"Dun sa mga anak kong umalis na hindi man lang ako nilingap, para bagang damit lang ako na iniwanan sa bahay. Umalis sila nang walang pasubali; hanggang sa ngayon, hindi ko malaman kung nasaan," ito ang pahayag ni Tatay Eusebio sa kanyang exclusive interview.

Bukod pa dito, nanawagan din siya sa kanyang mga anak na bisitahin siya sa isla. Hindi naman daw niya nais na kupkopin nila, dahil kahit pagkain lamang daw ay masaya na si Tatay Eusebio. Naisin man daw niya ay hindi siya makapunta sa mga anak dahil sa kakulangan ng pera.



Naantig rin ba kayo sa kwentong ito ni Tatay Eusebio? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
68-Anyos na Lolo, Pinabayaan na Lamang ng mga Anak sa Taal Island 68-Anyos na Lolo, Pinabayaan na Lamang ng mga Anak sa Taal Island Reviewed by Publisher on January 22, 2020 Rating: 5