Issa Pressman, Tinuturong Third Party sa Hiwalayan ni James Reid at Nadine Lustre
Kamakailan lamang ay nagimbal ang libo-libong fans ni James Reid at Nadine Lustre nang i-announce ng ex-celebrity couple na break na sila. Matapos ang kanilang official statement sa "Tonight With Boy Abunda" noong January 21, agad nag-trending sa social media ang isyung ito. Ngunit ang mga netizens, tila may nasilip na kakaiba.
Sa kanilang official statement, hindi binanggit ni James at Nadine ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan. Talaga nga namang nakakalungkot isipin na matapos ang apat na taon, sa hiwalayan rin pala natuloy ang tambalan nila. Dahil dito, may mga fans na hindi nakuntento sa explanation nila at nag-imbestiga pa.
Dito na pumasok ang pangalan ni Issa Pressman, na younger sister ni "Ang Probinsyano" star Yassi Pressman. Trending ngayon si Issa matapos mapagbintangan ng mga Jadine fans na diumano'y third party sa relasyon ni James at Nadine. Mas lalo lamang lumala ang mga issue nang lumutang ang ilang litrato ni James at Issa sa social media.
Si Issa ay malapit na kaibigan ni James Reid. Ngunit ayon sa mga showbiz insiders, more than friends daw ang pagtingin ng dalaga sa Kapamilya star. Dahil dito ay lagi silang magkasamang namamataan sa mga private parties, bagay na ikinagulat ng mga Jadine fans.
Mayroon ring blind item sa Fashion Pulis kung saan naniniwala ang mga fans na patungkol ito sa love triangle ng tatlo. Ayon sa blind item na ito, ilang beses gumawa ng hakbang ang babae upang maakit lamang ang kanyang kaibigan, kahit pa may girlfriend na ito.
Sa ngayon ay tikom ang bibig ni Issa sa mga alegasyong binabato sa kanya. Ayon sa mga sources, sa kasalukuyan ay nagbabakasyon ito sa Amsterdam. Maging si Nadine Lustre at James Reid ay hindi rin nagbigay ng komento tungkol sa ugnayan nila kay Issa.
Sa tingin mo, third party nga kaya ang dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan si James at Nadine? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Issa Pressman, Tinuturong Third Party sa Hiwalayan ni James Reid at Nadine Lustre
Reviewed by Publisher
on
January 22, 2020
Rating:





Post a Comment