"Real-Life Darna"- Netizens, Bumilib sa Mabilis na Aksyon ni Angel Locsin


Sa gitna ng kalamidad sa bulkang Taal, hindi pa rin mapakali ang mga tao sa pabago-bagong galaw ng bulkan. Hanggang ngayon ay nagbubuga pa rin ito ng usok at volcanic ash na nakababahala sa mga eksperto. Sa gitna ng sakunang ito, tuloy-tuloy naman ang pagbuhos ng mga donasyon mula sa mga good samaritan.

Isa na sa mga agad umaksyon ay ang aktres na si Angel Locsin. Tuwing may mga nangangailangan, laging bukas-palad ang aktres na mag-abot ng tulong. Kamakailan lang ay nagtanong si Angel sa social media kung ano-ano ang mga kailangan ng mga evacuees na nasalanta ng bulkang Taal.


Hindi na nagsayang ng oras ang aktres. Makalipas lamang ang dalawang araw, naispatan si Angel Locsin na nagbabalot na ng mga relief goods na ipapadala sa mga nasalanta ng Taal. Talagang walang sinayang na oras ang Kapamilya star, lalo pa't alam niya na maraming tao ang nangangailangan.

READ MORE: Angel Locsin, Nagpahatid ng Tulong sa Nasalanta ng Taal

Dahil dito, hindi naman basta-basta nalimutan ang mga sakripisyo ni Angel. Sa katunayan, sa social media, may isang fan ang nag-dedicate ng isang appreciation post para sa 34-anyos na aktres. Sa kanyang viral Facebook post, inilarawan ni Angelo kung paano nag-effort si Angel para lamang makatulong.



"I captured this kung paano pasalamat ni Ate Angel Locsin yung mga kargador ng mga relief goods na ni repack namin! Almost 12 hours kami nag pack at di pa na tapos lahat. Pero yung dedication mo iba! From the start hanggang sa matapos di ka umalis," ito ang viral Facebook post ni Angelo Csin Barrios.

Ayon pa kay Barrios, hindi lang sa pagrerepack tumulong ang aktres, kundi maging sa pagbubuhat. Lahat ng ito ay ginawa niya upang masigurado na mabilis makakarating ang mga donasyon sa mga taong nangangailangan. Kahit na hindi madali, tiniis niya ito ay hindi umalis mula umpisa hanggang dulo.



Sa iyong palagay, dapat kayang bigyan ng natatanging parangal si Angel Locsin para sa kanyang mga kabutihan? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
"Real-Life Darna"- Netizens, Bumilib sa Mabilis na Aksyon ni Angel Locsin "Real-Life Darna"- Netizens, Bumilib sa Mabilis na Aksyon ni Angel Locsin Reviewed by Publisher on January 17, 2020 Rating: 5