Kinilig ang Buong Restaurant sa Proposal ng Babaeng ito sa Kanyang Boyfriend
Pagdating sa usapang pagpapakasal, tayong mga Pilipino ay tradisyonal pa rin. Sa ating kultura, sanay na tayo na lalaki ang humihingi sa kamay ng babae sa pagpapakasal. Sa katunayan, isa sa mga pinakahinihintay ng isang babae ay ang pagpo-propose sa kanya ng kanyang kasintahan, pero unti-unti na ring nagbabago ang kaugaliang ito.
Sa panahon ngayon, mukhang nababaliktad na rin ang gender role na ito. Dahil mas malawak na ang awareness pagdating sa pagiging pantay sa isang relasyon, marami na ring babae ang unti-unting sumasalungat sa nakasanayan. Tulad na lang ng netizen na ito, na hindi na naghintay pa sa proposal ng kanyang boyfriend!
Sino nagsabing hindi pwedeng mag-propose ang isang babae? Para sa girlfriend na ito, hindi hadlang ang iniisip ng ibang tao para lamang mapakilig niya ang kanyang boyfriend! Imbes na maghintay sa kanyang kasintahan, mas pinili ni Cheska Galvez na siya na mismo ang kumilos at mag-propose sa kanyang boyfriend na si Ulvic.
Bilang parte ng kanyang sorpresa, niyaya ni Cheska ang buong pamilya ng kanyang boyfriend para mag-dinner. Sa mga panahong iyon, wala silang kaalam-alam na may binabalak na palang mag-propose si Cheska. Maya-maya pa, nahinto ang kanilang munting salo-salo nang lumapit ang mga restaurant crews kay Ulvic.
Ilang minuto pa ang nakalipas, lumabas si Cheska na may dala-dalang bulaklak para sa kanyang boyfriend. Naglabas rin ng malaking banner ang mga restaurant crew, na kakuntsaba pala ni Cheska sa kanyang plano. Talagang hindi matutumbasan ang reaksyon ni Ulvic matapos makita ang sorpresang inihanda ni Cheska.
Of course, isang matamis na "yes" naman ang binigay ni Ulvic kapalit ng effort ng kanyang girlfriend. Agad na kumalat sa social media ang sweet proposal ni Cheska, at maging ang mga netizens ay hindi rin mapigilang kiligin! Ayon pa sa iba, mukhang napakaswerte ni Ulvic sa kanyang kasintahan.
Kung ikaw ang papapiliin, mas nanaisiin mo rin bang babae ang magpropose sa iyo? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Kinilig ang Buong Restaurant sa Proposal ng Babaeng ito sa Kanyang Boyfriend
Reviewed by Publisher
on
January 16, 2020
Rating:


Post a Comment