Comeback is Real! Julia Montes, May Pasabog Ngayong 2020


Hindi pa natatapos ang buwan ng Enero, ngunit mukhang sunod-sunod na ang pasabog ng taong 2020. Sa wakas, matapos ang mahabang paghihintay ay muli nang lumabas sa mata ng publiko ang Kapamilya star na si Julia Montes. Matatandaang nitong huling 2018 nang bigla na lamang nawala sa limelight si Julia.

Ayon sa bali-balita, nagdadalangtao ang aktres sa kanyang kasintahang si Coco Martin. Noong April 2019, kumalat ang balita na nanganak na umano si Julia sa isang ospital sa San Juan. Ngayong 2020 naman, mukhang ready na ulit sumabak ang aktres sa mundo ng showbiz!


Kamakailan lamang ay nag-viral sa Instagram ang pagbabalik showbiz ni Julia Montes. Sabik na ibinahagi ng talent manager na si Erickson Raymundo ang muling pagsabak ng "Daytime Drama Queen" sa showbiz. Ayon sa sabi-sabi, pumirma ng bagong kontrata si Julia sa Cornerstone Entertainment.

"Welcome back @montesjulia08 ! 2020 will be a busy year for you and I can’t wait to share all the projects lined up for you. Exciting months ahead!" ito ang caption ni Erickson Raymundo, na mukhang nagpapahiwatig na magkakaroon ng major project si Julia sa taong 2020.



Sa kabilang banda, maraming fans naman ang natuwa sa muling paglitaw na ito ng kanilang idol. Sa taong 2020, marami rin ang nag-aabang ng bagong pasabog ni Julia Montes. Ano kaya ang magiging susunod na teleserye niya? Abangan na lang natin ang susunod na updates!

Sa ngayon, nagdiwang rin ang mga kilalang celebrities sa balitang ito. Tulad ng karamihan, hindi rin nila inaasahan ang balitang ito. Ilan sa mga nagpahatid ng kailang suporta ay sina Neri Miranda, Bea Alonzo, Angeline Quinto, Maja Salvador, Maxene Magalona, Dimples Romana, Miles Ocampo, at marami pang iba.



Na-excite ka rin ba sa muling pagbabalik sa showbiz ni Julia? Ano-ano kaya ang magiging susunod na project niya? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Comeback is Real! Julia Montes, May Pasabog Ngayong 2020 Comeback is Real! Julia Montes, May Pasabog Ngayong 2020 Reviewed by Publisher on January 17, 2020 Rating: 5