Priceless ang Reaksyon ng Bride sa Php1 Million Cash na Regalo Mula sa Kanyang Groom


Sabi nga nila, ang kasal ang isa sa pinakaimportanteng araw sa buhay ng isang babae. Sa espesyal sa araw na ito, may matatanggap ang bride na isang magandang regalo: ang kanyang asawa. Ngunit hindi lang yan ang natanggap na regalo ng swerteng bride na ito, at siguradong mapapa-'sana all' kayo sa natanggap niya!

Umani ng atensyon sa social media ang kakaibang wedding gift ng groom na ito sa kanyang bride. Karamihan ay sentimental gifts ang binibigay, ngunit para sa groom na ito, mas pinili niyang maging praktikal. Kaya naman naisipan niyang regaluhan ng cash ang kanyang asawa.


Ngunit hindi lang ito basta-basta cash, dahil Php1 million ang regalo niya dito! Ayon sa wedding photographer na Team Benitez Photo, noong una'y walang kamalay-malay ang bride sa regalo sa kanya ng groom. Bigla na lamang ipinaabot nito ang isang nakabalot na regalo.

Sakto naman at may nakaabang na photographer upang makuhaan ang reaksyon ng bride. Pagbukas niya ng balot, tumambad sa kanya ang limpak-limpak na cash na nakabalot sa pink ribbon. Talaga namang priceless at walang paglagyan ng tuwa ang reaksyon ng bride.


Agad namang nag-viral ang kakaibang wedding gift na ito sa social media. Maraming netizens ang napa-"sana all" sa bonggang regalong ito. Hindi nga naman araw-araw kang makakakita ng groom na willing mag-regalo ng Php 1 million cash sa kanyang mapapangasawa.

Sa kabilang banda, may mga netizens naman na nagbiro na wais ang groom, dahil pagkatapos ng seremonya ay mapapasakanya rin ang pera dahil magiging conjugal property ito. Ngunit ano pa man ang dahilan, siguradong walang katumbas ang kasiyahan na naramdaman ng bride sa effort ng kanyang partner.



Ikaw, ano ang gagawin mo kung may nag-regalo sa iyo ng Php 1 million? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Priceless ang Reaksyon ng Bride sa Php1 Million Cash na Regalo Mula sa Kanyang Groom Priceless ang Reaksyon ng Bride sa Php1 Million Cash na Regalo Mula sa Kanyang Groom Reviewed by Publisher on January 21, 2020 Rating: 5