Angel Locsin, Ibinahagi ang Nakakatakot na Pangyayari Kung Paano Siya Na-Discover
Karamihan sa mga artista ngayon ay nakakapasok sa mundo ng showbiz sa pamamagitan ng mga auditions o di kaya'y koneskyon. Ngunit noong araw, uso pa ang talent scouting, kung saan lalabas talaga ang mga agent para maghanap ng mga taong artistahin. Isa sa mga nagmula sa talent scouting ay si Angel Locsin.
Sa kanyang guesting sa "Magandang Buhay," ibinahagi ng 34-anyos na aktres kung paano siya na-discover. Ayon kay Angel, hindi niya makakalimutan kung paano siya nilapitan ng isang talent scout, dahil imbes na excitement ay takot umano ang nangibabaw dati kay Angel.
Ayon kay Angel, nasa mall siya noon kasama ang kanyang matalik na kaibigan. Kagagaling lamang nila sa grocery nang makita ni Angel ang isang lalaki na nakapila sa lotto outlet. Maya-maya pa at lumapit ang estrangherong ito sa kanya, bagay na kinabahala naman ni Angel.
Dahil sa takot at kaba, nagmamadaling umalis si Angel kasama ang kaniyang kaibigan. Ngunit di inaasahang napunit ang kanilang grocery bag, kaya't napahinto sila at naabutan sila ng lalaki. Dito na ito nagpakilala bilang talent scout at bigla na lamang inabutan ng calling card si Angel.
Noong mga panahong iyon, interesado rin si Angel na makatulong sa kanyang pamilya. Kaya naman nang alukin siya ng lalaki na maging model, agad siyang pumayag. Hindi niya alam na iyon na pala ang magiging stepping stone niya sa kanyang makulay at mahabang career sa showbiz.
Sa ngayon, isa si Angel Locsin sa pinakahinahangaang aktres sa showbiz. Hindi na maipagkakaila ang kanyang legacy hindi lang bilang isang aktres, kundi bilang isang philantrophist din. Siguradong natatawa na lamang si Angel ngayon kapag naaalala niya kung paano siya nagsimula noon.
Interesado rin ba kayong malaman kung paano nadiscover ang iba niyong paboritong artista? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Angel Locsin, Ibinahagi ang Nakakatakot na Pangyayari Kung Paano Siya Na-Discover
Reviewed by Publisher
on
January 21, 2020
Rating:






Post a Comment