Pokwang, Ibinahagi ang Karanasan Matapos Nakisaya at Naki-Selfie sa Sinulog Festival sa Cebu City


Taon-taon, pagsapit ng buwan ng Enero ay libu-libong turista ang dumadayo sa "Queen City of the South" Cebu City para ma-experience ang Sinulog festival. Makukulay na banderitas, bonggang kasuotan, nakakaaliw na pasayaw, at marami pang iba ang dinarayo ng mga tao. Sa pistang ito, nagbibigay-pugay ang mga tao sa poon.

Dahil diyan, pati mga celebrities ay hindi nagpapahuli sa selebrasyong ito. Isa na sa kanila ay ang Kapamilya star na si Pokwang, na kamakailan lang ay lumipad patungong Cebu City para makisaya sa kapistahan. Kahit pa busy at hectic ang schedule niya, sinigurado ni Pokwang na hindi niya mami-miss ang Sinulog festival.


Karamihan sa mga turista at kuntento nang makinood sa mga pasayaw. Mas gusto nilang manood na lamang habang hawak ang kanilang mga camera. Ngunit para sa 49-anyos na komedyante, mas gugustuhin niyang makiisa at makisayaw sa gitna ng daan upang mas maranasan ang saya ng Sinulog.

Sa isang video, kitang-kita kung paano nakiindak ang Kapamilya star kasama ang mga Cebuanos. Hindi rin siya nagpahuli sa outfit, at sinigurado ni Pokwang na matatapatan niya rin ang mga makukulay na costumes nito. Nakasuot si Pokwang ng bright orange na bestida at umiindak habang hawak ang Sto. Nino.



"Sarap ng pakiramdam na experience ko ang once a year na pinag-uusapan sa buong mundo, Sinulog 2020. Thank you to my Regasco family. Grabe sarap sa pakiramdam na niyayakap mo ang iyong sariling kultura at nakikisaya kasama ng mga totoong tao," ito ang pahayag ni Pokwang sa Instagram.

Sa kabilang banda, ikinatuwa rin ng mga fans ang partisipasyon ni Pokwang para sa Sinulog 2020. Sa social media, may mga nag-comment pa at naispatan raw nila ang komedyante sa SM City Cebu. Dahil sa experience na ito, paniguradong babalik muli si Pokwang next year!


Ikaw, naranasan mo na rin bang makisaya sa Sinulog festival sa Cebu City? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Pokwang, Ibinahagi ang Karanasan Matapos Nakisaya at Naki-Selfie sa Sinulog Festival sa Cebu City Pokwang, Ibinahagi ang Karanasan Matapos Nakisaya at Naki-Selfie sa Sinulog Festival sa Cebu City Reviewed by Publisher on January 28, 2020 Rating: 5