Lolit Solis, Nag-React sa Pagmumura ni Kathryn Bernardo
Kilala si Kathryn Bernardo sa kanyang wholesome image. Kahit sa harap o likod ng camera, sanay na ang mga fans sa malumanay na attitude ng 23-anyos na Kapamilya actress. Sa kanyang mga interviews at press conference, kitang-kita rin kung gaano ka mild-mannered si Kathryn sa kanyang pagsagot at pananalita.
Dahil dito, maraming fans ang nadisappoint matapos marinig ang isang di kaaaya-ayang video ni Kathryn. Kung isa kang avid Kathniel fan, malamang ay napanood mo na rin ang viral na video na ito. Habang nagbabakasyon sa Iceland kasama ang kanyang boyfriend na si Daniel Padilla, hindi sinasadyang nakapagmura si Kathryn.
Habang tinatahak ang loob ng isang kweba, kitang-kita ang kaba sa ekspresyon ni Kathryn. Muntikan na siyang madulas, kaya't di niya rin napigilang mapa-mura ng maluton. Dahil dito, maraming tao ang pumuna sa aktres dahil sa kanyang pagmumura. Ngunit marami rin namang dumepensa sa aktres.
To the rescue naman si Manay Lolit para depensahan si Kathryn sa kanyang mga kritiko. Sa Instagram, ipinahayag ni Lolit Solis na ang mga artista ay tao rin, at katulad natin ay may karapatan rin silang mag-express ng kanilang emosyon.
"Hindi ba natural naman kung minsan sa atin na dahil nabigla ka kung minsan accidentally medyo mura na ang lalabas sa bibig mo? Saka sa ganuon sitwasyon, automatic reaction lang, hindi ibig sabihin normal ng lumalabas sa bibig mo iyon mga salitang iyon."
Ayon pa kay Manay Lolit, nakakaawa rin ang sitwasyon ng mga artista. Dahil public figure sila, kahit konting kibot at konting galaw ay nakamasid ang mga mapanghusgang mata ng publiko. Minsan ay nakakalimutan na rin natin na tao lang rin sila tulad natin.
Agree ka rin ba sa pahayag na ito ni Lolit Solis tungkol kay Kathryn Bernardo? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights.
Lolit Solis, Nag-React sa Pagmumura ni Kathryn Bernardo
Reviewed by Publisher
on
January 28, 2020
Rating:

Post a Comment