"Back to strangers"- Joshua at Julia, Nag-Deadmahan sa Backstage


Hindi lingid sa kaalaman ng marami na natibag na ang loveteam ni Julia Barretto at Joshua Garcia noong July 2019. Ngunit dahil sa kanilang upcoming movie na "Block Z," required pa rin na magkasama si Joshua at Julia sa ibang mga events. Kamakailan lang ay naispatan ang dalawa backstage sa Chinese New Year Celebration.

Sa video, kapansin-pansin ang cold treatment ni Julia at Joshua sa isa't-isa. Kahit pa magkaharap lamang sila, hindi nagpapansinan o kahit nagtitinginan man lang ang dalawa. Ilang metro lang ang pagitan nila, ngunit pilit nilang dinededma ang isa't-isa.



Kung avid JoshLia fan ka, siguradong malulungkot ka sa footage na ito. Sino nga naman ang mag-aakala na parang dati lang ay close na close at may intimate relatiosnhip ang dalawang ito? Ngayon, ayon nga sa ibang netizens, ay back to strangers na lamang sila.

Bago dumating sa puntong ito, marami pang fans ang umaasa na maaayos pa ang mga bagay-bagay sa pagitan ng dalawang ex-couple. Ngunit matapos mapanood ang cold treatment nila sa isa't-isa, mukhang nawalan na rin sila ng pag-asa na magkakabalikan pa ang couple.



Mayroon ring nakapansin sa body language ng dalawa. Ayon sa ibang mapagmasid na fans, kahit pa hindi na sila nagpapansinan, kapansin-pansin pa rin ang body language ni Julia at Joshua na nakaturo sa isa't-isa. Senyales daw ito na kahit papano'y may care pa ring natitira sa puso nila.

Ayon naman sa report ng PEP, imbes na mainis ang mga fans, dapat ay magpasalamat pa sila sa cold treatment na ito ng Joshlia sa isa't-isa. Makakatulong diumano ito kay Joashua at Julia, dahil ang mga pagsubok na pinagdadaanan nila ngayon ay nagsisilbing character-building para sa future.


Silipin ang buong video dito:


Nalungkot ka rin ba dahil dedma na lamang ngayon ang dating sweet na loveteam ng JoshLia? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
"Back to strangers"- Joshua at Julia, Nag-Deadmahan sa Backstage "Back to strangers"- Joshua at Julia, Nag-Deadmahan sa Backstage Reviewed by Publisher on January 28, 2020 Rating: 5