Pinay Psychic, Na-Predict Daw ang Trahedya ni Kobe Bryant


Kumakalat ngayon sa social media ang nakakakilabot na mga hula ng sikat na Facebook page na Rudy Baldwin. Ang Facebook page na ito, na mayroon ng mahigit sa 1.6 million followers sa social media, ay diumanong nakakahula ng pangyayari sa hinaharap. Nai-feature na rin ito sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho."

Sa likod ng Facebook page na ito ay isang babaeng na naniniwalang may angkin siyang talento sa panghuhula. Sa kanyang sikat na Facebook page, nahulaan niya na diumano ang pag-alburoto ng bulkang Taal, paglindol sa ibang banda, at kahit pa pagpanaw ng basketball star na si Kobe Bryant.


Nagbigay rin siya ng mga numero upang itaya sa lotto, at gamit ang maswerteng numero na ibinigay niya, halos tatlong beses nanalo ang isa niyang follower sa lotto! Dahil dito, naging buo daw ang pananalig niya kay Rudy. Kung noong una'y hindi siya naniniwala sa kakayahan nito, ngayon ay kumbinsido na siya sa mga predictions nito.

Ayon kay Rudy, bata pa lamang daw siya ay nabiyayaan na siya ng kakayahang makaramdam ng hinaharap. Dahil hindi na siya makapag-focus, naapektuhan rin daw nito ang kanyang pag-aaral, kung kaya naman nagdesisyon na lamang siyang huminto sa school.



Sinubukan niya rin daw na mag-abroad upang makalimot, ngunit habang nasa ibang bansa ay laging mabigat ang pakiramdam niya. Dito na niya napagpasiyahan na sundin ang daan na ibinigay sa kanya ng Panginoon, at gamitin ang kanyang kakayahan upang makatulong sa mga tao.

Ngunit mukhang hindi naman lahat ay kumbinsido sa kakayahan ni Rudy Baldwin. Para sa iba, maaaring may ginagawa siyang pandaraya. Ayon naman sa ibang relihiyosong tao, hindi basta-basta ang ganitong kakayahan, at maaari rin itong magamit sa kasamaan.


Sa iyong palagay, legit kaya ang powers ni Rudy Baldwin na ibuking ang hinaharap? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Pinay Psychic, Na-Predict Daw ang Trahedya ni Kobe Bryant Pinay Psychic, Na-Predict Daw ang Trahedya ni Kobe Bryant Reviewed by Publisher on January 30, 2020 Rating: 5