From Toilet Cleaner to Licensed Nurse: Bibilib ka sa Kwento ng Pinoy OFW na ito!


Kamakailan lang ay naging inspirasyon sa social media ang nakakainspire na life story ng lalaking ito. Si Jao Jundam ay isang licensed nurse sa Canberra, Canada. Ngunit bago niya marating ang kanyang matagal nang pangarap, ibinahagi ni Jao ang kanyang mga pinagdaanan sa buhay na siguradong kapupuluta niyo ng aral.

"A lot of people think that I'm "lucky" to reach the position where I am now. They think everything was smooth and easy when I moved here. Of course, most of my posts are about me traveling the world, achieving goals in my acads career, eating the best food the world can serve and smiling widely in front of the camera."


Ngunit sa kabila ng magandang buhay na tinatamasa niya ngayon, aminado si Jao na hindi naging madali ang karera niya dati. Bago niya nakamit ang tagumpay, pawis at sipag ang puhunan ni Jao para sa kanyang mga pangarap.

Sa kanyang post, ibinahagi ni Jao na hindi biro ang living expenses sa Canada. Dahil dito, ilang trabaho ang pinasok niya para lamang matustusan ang kanyang pamumuhay. Naranasan niyang maging barbeque boy, fins vendor, waiter, personal care provider, cashier, at marami pang iba.



Bukod sa problema sa pera, nahirapan rin si Jao na mag-adjust sa culture sa Canberra. Dahil sa culture shock, ilang beses naudlot ang graduation niya. Ngunit sa kabila ng mga dinanas na paghihirap ni Jao, sa huli ay mas naging worth it naman nang makamit niya ang kanyang matagal ng inaasam: ang maging isang nurse.

Talagang kapupulutan ng aral ang kwentong ito ni Jao. Nagpapaalala lang ito satin kung saan tayo tatangayin ng ating sipag, tiyaga, at diskarte. Ayon nga kay Jao, anong sama man ng panahon, bangon pa rin dahil kaya mo yan!



Na-inspire ka rin ba sa rags-to-riches na kwento ni Jao? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
From Toilet Cleaner to Licensed Nurse: Bibilib ka sa Kwento ng Pinoy OFW na ito! From Toilet Cleaner to Licensed Nurse: Bibilib ka sa Kwento ng Pinoy OFW na ito! Reviewed by Publisher on January 29, 2020 Rating: 5