Mommy Divine, Hindi daw Pupunta sa Wedding ni Sarah at Matteo?


November ng nakaraang taon nang inanunsyo ng sikat na celebrity couple na si Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na engaged na sila. Maraming fans ang natuwa sa balitang ito, lalo pa't ilang taon na rin ang relasyon nilang dalawa. Ngayon naman, kasal na lang ang inaabangan ng mga excited na fans.

Katulad ng kanilang pribadong relasyon, mas pinili rin ng pop star na maging low-key lamang sa paghahanda para sa kanilang kasal. Mukhang nalalapit na rin ang pag-iisang dibdib ng celebrity couple, dahil sa isang Instagram post ni Matteo, nagpahayag siya na excited na rin silang mag-move on sa bagon chapter ng buhay nila.



"I assure you that I will give Sarah a happy life with the best of my capabilities. With pure, honest love and respect. We wish to move forward with our life plans and begin this brand new chapter of our life."

Nakumpirma naman ito ng celebrity couple. Ayon sa mga DZRH News, sa Europe gaganapin ang destination wedding ni Sarah at Matteo na nakatakdang mangyari sa March 14.

Hindi makukumpleto ang espesyal na araw na ito kung wala rin ang mga mahal sa buhay ng bride at groom. Ngunit mukhang hindi magiging kumpleto ang pamilya ni Sarah sa araw ng kanyang kasal. Sa tweet ng DZRH, binanggit rin ng news outlet na baka 'absent' si Mommy Divine sa kasal.


Diumano'y hindi daw sigurado si Mommy Divine kung makakadalo ito sa Italy. Sa kabilang banda, hindi pa naman ito kumpirmado ng kampo ni Sarah at Matteo, bagay na ikinagalit ng mga fans dahil diumano'y nagkakalat ng maling balita ang outlet.

Ayon pa sa ibang fans, hindi matitiis ni Mommy Divine na hindi maihatid si Sarah sa altar sa araw ng kasal niya.


Ikaw, excited ka na rin bang matunghayan ang pag-iisang dibdib ni Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Mommy Divine, Hindi daw Pupunta sa Wedding ni Sarah at Matteo? Mommy Divine, Hindi daw Pupunta sa Wedding ni Sarah at Matteo? Reviewed by Publisher on January 30, 2020 Rating: 5