OFW, Pinagtitiisan ang Tira-Tira ng Amo Para May Panlaman-Tiyan


Hindi madali ang buhay ng isang overseas Filipino worker. Iiwanan nila ang kanilang bansa at pupunta sa malayo upang masuportahan lamang ang kanilang pamilya. Kadalasan, iniisip ng nakararami na magaan ang buhay abroad, ngunit sa kabila ng lahat ay hindi nila nakikita ang pasakit at sakripisyo ng mga kapatid nating OFW.

Isa sa mga patunay nito ay ang dinaranas na pasakit ng mga domestic helper. Mahirap na ang kanilang trabaho, ngunit kung mamalasin ka, mas magiging mahirap ito kung natapat ka sa malupit na amo. Isang OFW ang nagbahagi ng kanyang nakakaawang kalagayan sa kanyang trabaho.



Pinakita niya kung paano siya nagpupulot nga mga tira-tira ng kanyang amo sa basurahan upang may maipanlaman-tiyan lang, bagay na lagi daw ginagawa ng iba ring domestic helper.

"Hahaha parang ako lang din. Reality ginagawa ko din yan kesa magutom, diskarte lang."

Ang nakakalungkot pa dito, mayroong mga OFW na naka-relate din sa pinagdadaanan ng domestic helper na ito. Sa social media, may mga OFW na naantig sa kanyang kwento at ibinahagi na naranasan na rin nila ito. Hindi man nila gustuhin, sinisikmura na lang nila upang may maipadala lang sa kanilang mga pamilya.


Dahil dito, umani ng iba't-ibang reaksyon ang rebelasyong ito sa social media. May ibang mga netizens na nagulat sa ganitong klaseng kalagayan ng ating kababayan sa ibang bansa. Ayon pa sa iba, dapat ay maipatupad ang mga karapatan ng mga OFW para na rin sa kaligtasan nila.

"Huwag kang pumayag na ganyan gagawin sa yo ng amo mo. Hindi masama mag-demand sa kanila kasi obligasyon nila yan," ito ang pahayag ng isang netizen. Inuudyukan niya ang mga kapwa-OFW na dumaranas ng ganitong pagtrato na magsalita at ipagtanggol ang kanilang karapatan.


Ano ang masasabi niyo sa kalagayan ng OFW na ito? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
OFW, Pinagtitiisan ang Tira-Tira ng Amo Para May Panlaman-Tiyan OFW, Pinagtitiisan ang Tira-Tira ng Amo Para May Panlaman-Tiyan Reviewed by Publisher on January 18, 2020 Rating: 5