Sharon Cuneta, Ipinakilala ang Anak na Matagal Nawalay sa Kanya


Isa si Sharon Cuneta sa mga respetado at hinahangaang artista sa industriya ng showbiz. Sa ilang dekadang showbiz career ng "Megastar," mukhang alam na ng publiko ang lahat tungkol sa kanyang personal na buhay. Ngunit kamakailan lang, may ibinuking si Sharon na matagal na niyang tinatago, at talaga namang maraming nagulat!

Kilala na natin ang mga anak ni Sharon, katulad na lamang nila Frankie Pangilinan na anak niya kay Senator Kiko, at si KC Concepcion na naging anak naman ng Megastar kay Gabby Concepcion. Ngunit alam niyo ba na may isa pang tinuturing na tunay na anak si Sharon Cuneta?



Kamakailan lang ay nagbahagi ng isang makabagbag-damdaming reunion si Sharon sa social media. Sa Instagram, pinakilala niya sa buong mundo ang kanyang anak, na matagal nang nawalay sa kanya dahil nakatira at lumaki ito sa United States.

Sa katunayan, si Curtis Christopher Cuneta ay anak ng kapatid ni Sharon na lalaki. Ngunit hindi man sa kanya ito galing, buong puso niyang minahal si Curtis. Ayon kay Megastar, bata pa lamang ito ay napalapit na ang loob nito sa kanya, kaya naman tinuring niya na itong tunay na anak.



Kahit na sa United States ito nakatira, naging malapit rin ang loob ni Curtis kay Sharon. Umabot pa sa puntong "mama" na rin ang tawag niya sa kanyang tita! Kaya naman nang muli silang magkita ni Sharon, hindi mapigilang maging emosyonal ng dalawa.

Sa kanyang pagbisita sa Pilipinas, isinama rin ni Curtis ang kanyang asawa na si Korinne, upang ipakilala sa kanyang ina-inahan. "I thank God that he chose you for my boy. It is so easy to love you!" Ito ang nakakaantig na mensahe ni Sharon para kay Curtis at sa asawa nito.


Naantig rin ba kayo sa emosyonal na reunion ni Sharon at ng kanyang anak-anakan mula sa US? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Sharon Cuneta, Ipinakilala ang Anak na Matagal Nawalay sa Kanya Sharon Cuneta, Ipinakilala ang Anak na Matagal Nawalay sa Kanya Reviewed by Publisher on January 18, 2020 Rating: 5