Liza Soberano, Aminadong Hindi Boto ang Tatay Niya kay Enrique Dati


Sa panahon natin ngayon, hindi maitatangging isa ang "LizQuen" sa mga pinakasikat na love teams dito sa Pilipinas. Ilang taon na ring sinusubaybayan ng mga fans ang nakakakilig na tambalan ni Liza Soberano at Enrique Gil, na mula sa pagiging on-screen partners ay tuluyan na ngang nauwi sa totohanang relasyon.

Ngunit lingid sa kaalaman ng publiko, hindi laging madali ang pagsasama ni Liza Soberano at Enrique Gil. Katulad ng ibang normal na couples, dumaranas rin sila ng mga pagsubok sa kanilang relasyon. Isa sa mga halimbawa nito ay nang magka-alitan si Liza at ang kanyang tatay dahil kay Quen.



Sa isang interview, ibinahagi ng 21-anyos na aktres ang naging dahilan ng kanilang sagutan ng kanyang ama. Sa press conference ng "Make It With You," inamin ng dalaga na nagkaroon sila ng matinding away ng kanyang tatay noong nagsisimula pa lang ang relasyon nila ng kanyang on-screen partner na si Enrique.

Ayon kay Liza, mahigpit siyang pinagbabawalan ng kanyang mga magulang na magkaroon ng boyfriend. Ngunit hindi niya ito sinunod at nakipagrelasyon pa rin siya kay Enrique, bagay na kinagalit ng kanyang ama.



"Kasi bawal pa talaga ako magka-boyfriend noon, kaya lang matigas 'yung ulo ko. I think that the craziest that I did is kasi seventeen lang nung naging kami so pinaglaban ko. Sabi ko sa daddy ko, 'Masaya ako. Kung gusto mo ako maging masaya, papayagan mo ako.'"

Hindi naman binigo ni Enrique ang tatay ni Liza, at pinatunayan nito na karapat-dapat siya para sa kanilang anak. Hindi rin nagtagal at unti-unting nakuha ni Enrique ang loob ng mga magulang ni Liza dahil sa kanyang sipag, tyaga, at totoong pagmamahal para sa kanilang anak.


Ikaw, naranasan mo na rin bang mahadlangan ng iyong mga magulang ang relasyon mo dati? Pinaglaban mo rin ba ito tulad ni Liza? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Liza Soberano, Aminadong Hindi Boto ang Tatay Niya kay Enrique Dati Liza Soberano, Aminadong Hindi Boto ang Tatay Niya kay Enrique Dati Reviewed by Publisher on January 18, 2020 Rating: 5