Mister na Nananahimik, Dinamay ni Misis sa Break-Up ng Jadine


Isang nakakalungkot na balita ang kumalat sa social media kamakailan lamang. Matapos ang apat na taong pagsasama, hiwalay na ang celebrity couple na Jadine. Sa episode ng "Tonight With Boy Abunda" noong January 20, inanunsyo ni James Reid at Nadine Lustre sa mga fans na tinatapos na nila ang kanilang apat na taong relasyon.

Hindi maipagkakailang marami ang apektado sa balitang ito. Isa ang Jadine sa pinakasikat at hinahangaang love team dito sa Pilipinas. Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit maraming fans rin ang nalungkot na nabuwag na ang paboritong love team nila. Ngunit mukhang may ibang fans na dinamdam talaga ito.



Usap-usapan ngayon sa Facebook ang mag-asawang ito na naapektuhan rin ng hiwalayan ng Jadine. Mukhang talagang big fan si ate, dahil nai-relate niya sa kanilang relasyon ang hiwalayan ng Jadine. Ibinahagi sa Facebook ni Randolf Hilarbo ang usapan nila ng kanyang asawa.

Siguradong pati kayo ay matatawa! Sabi nga ng ibang netizens, tamang-hinala daw si misis dahil sa ginawang diumano'y pambababae ni James Reid. Kahit tuloy nananahimik lang si mister, nadawit pa ang pangalan niya sa hiwalayan ni James at Nadine.


Maraming tao naman ang naaliw sa conversation ng mag-asawang ito. Sa ngayon ay umabot na ng mahigit 57,000 ang shares nito sa Facebook, at talaga namang maraming lalaki ang naka-relate din dahil sa tamang hinala ng mga girlfriend nila sa kanila.

Sa kabilang banda, hindi naman lahat ng netizens ay natuwa sa conversation na ito. Ayon sa ibang tao, hindi magandang sign ito sa isang relasyon dahil mukhang immature pa ang babae. Ngunit ayon sa iba, baka dala lang ito ng kanyang emosyon sa hiwalayan ng Jadine.


Apektado rin ba kayo sa biglaang hiwalayan ni Nadine Lustre at James Reid? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.
Mister na Nananahimik, Dinamay ni Misis sa Break-Up ng Jadine Mister na Nananahimik, Dinamay ni Misis sa Break-Up ng Jadine Reviewed by Publisher on January 22, 2020 Rating: 5